Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

K-12 NILALAMON NG K-9

$
0
0

raul_valinoMALAKING negosyo itong K-12 at dagdag gastos sa mga parent.

Dagdag pahirap din sa mga pupil and student na sana ay nasa bakasyon nitong nakaraang tatlong buwan.

Ang K-12 ay programa ng pinagsamang kindergarten (K) at elementary and high school na ang kabuuan ay 12 years bago makapasok sa college.

Ano naman ang K-9?

Hango ito sa English word na canine na ang ibig sabihin ay aso o dogs, wolves, foxes, jackals at iba pang ulol na hayop.

Naglipana ang mga K-9 o canine sa Department of Education.

Bawa’t isa sa kanila ay naghahangad na makakuha ng kontrata sa paglimbag ng mga bagong libro magmula kinder hanggang sa Grade 12.

Ang laking pera niyan. Puro defective na nga ang mga textbook na authorized ng DepEd.

Ngayon ay hindi na maaaring may pamana na ang mga lumang libro.  Kailangang bumili na ng mga bagong aklat na ang presyo ay lintik sa kamahalan.

Kailangan daw na mag-aral ang mga bata ng 13 years bago makarating sa college.

Genius talaga ang nakaisip ng K-12.

Dahil sa K-12, bababa ang employment ratio kasi 17 years pang mag-aaral ang mga bata para maging employable. Bola lang iyan.

Sa mga ibang school, puwede nang mag-short cut para bumalik uli sa 10 years sa pamamagitan ng summer classes.

Napakamahal mag-enroll sa summer classes lalo na kung ang may-ari ng mga school na ito ay mga padre at madre.

Minadali talaga ng DepEd ang K-12 dahil sa mga canine o K-9.

Nag-umpisang pumasok ang mga bata kahapon ayon sa programa ng Dep-Ed.

Sapilitang pinapasok sa school ang mga kinder at mga Grade 1 to 12 sa kabila ng kakulangan sa kahandaan.

Lalong naging kulang ang mga classroom, mga teacher, mga teaching aid at katalinuhan ng mga guro.

Pera-pera nga lamang daw ‘yan.

The post K-12 NILALAMON NG K-9 appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>