Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGBABALIK ESKWELA 2013 NAGING MAPAYAPA

$
0
0

lily's-files-lily-reyesNAGING maayos ang pagbubukas ng klase kahapon ng mga pampublikong paaralan lalo na rito sa Metro Manila maliban sa  mangilan- ngilang maliliit na problema na hindi naman talaga maiiwasan.

Dito sa Metro Manila ay mayroong 2,644 na mga paaralan, kabilang na ang mga private.

Pero hindi lahat ng eskwelahan ay nag-bukas kahapon dahil ang mga private school ay sa Lunes (Hunyo 10) pa magsisimula ang kanilang mga klase.

Maganda at maaliwalas ang naging unang araw ng pagbubukas ng klase kahapon dahil makikita mo talaga na ang ating mga kapulisan ay nasa lansangan.

Ayon dito kay Maj. Kimberly Molitas, ang NCRPO-spokesperson at PIO, nagpakalat daw ng 9,000 na pulis itong si  NCRPO  chief, Chief Supt. Leonardo Espina, sa kalakhang Maynila para bigyan ng proteksiyon ang ating mga estudyante at paaralan.

Tulad ng dati, hindi talaga maiiwasan ang napakasikip na daloy ng trapiko tuwing unang araw ng pasukan, pero sa pangkalahatan ay naging mapayapa naman ang lahat.

QCPD STATION 5, HINAGISAN NG GRANADA

MASUWERTENG hindi pumutok ang isang granadang inihagis sa loob ng Lagro Police Station 5 ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng madaling araw ilang oras bago magbukas ang unang araw ng klase.

Nakababahala na ito, wala nang kinatatakutan ang mga kriminal ngayon dahil mismong presinto ng pulis ay nakuha nilang hagisan  ng granada. Eh, papaano na kaya ang ordinaryong bahay. Pananakot nga lang kaya ang motibo ng mga suspek o may matindi silang galit sa mga pulis na naka-assign  sa presintong ito na pinamumunuan nitong si Supt. Eleazar Mata?

Ang sabi ng naka-duty na desk officer, bago raw ang insidente ay nakarinig siya ng isang motorsiklo na dumaan kaya pinalalagay niya na iyon ang naghagis ng granada .

Kalokohan naman yata yang ali-bi na ‘yan,  napakalayo ng kalsada sa mismong hagdanan papasok sa presinto at kung totoo ang alibi na ito,  dapat sana ay nakita ng naka-duty na pulis kung mayroon man,  dahil  bago ka  makarating sa mismong presinto ay sasadyain mo pang pumasok dito.

Napakaraming tricycle na dumaraan  at marami  ring nakaparada sa may kanto at marami ring sasakyan ang dumaraan .

Wala pang pahayag kaugnay rito itong si QCPD Director, Sr. Supt. Richard Albano dahil abala ito sa pag-iinspeksyon sa mga  paaralan kaugnay sa unang araw ng pagbubukas ng klase.

Bukas po ang Lily’s Files para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09165571946 at 0908-7230036 o kaya ay magemail lang sa …lpr_2012@yahoo.com

The post PAGBABALIK ESKWELA 2013 NAGING MAPAYAPA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>