Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LGBT-FRIENDLY

$
0
0

sibol5NAGING sentro ng debate ang lumabas na survey raw na isa ang Pilipinas sa mga bansa na mas tinatanggap ang bakla at mga tomboy.

Mataas daw ang rate ng bansa natin bilang gay-friendly country.

Ang sabi sa isang report, kahit pa raw malawak ang Kristiyanismo at mas marami ang mga Katoliko rito sa atin ay tanggap daw ng mas marami ang mga bakla at tomboy.

Maganda ang paliwanag ng isang paring Katoliko.

Ang mataas na resulta raw ng pagiging gay-friendly ng mga Filipino ay dahil sa turo mismo ng Simbahan na pagrespeto sa kahit kanino.

Kaya naman kahit ang Simbahang Katolika ay tutol sa mga “third gender” preference ay nangingibabaw pa rin ang pagiging mapagmahal, mapagtanggap at hindi mapanghusga ng mga Pinoy.

Ang sabi naman ng isang grupo na sumusuporta sa mga lesbian, gay, bisexual at transgenders (LGBT), para raw hindi totoo ang resulta ng survey dahil marami pa rin sa mga LGBT ang hindi tinatanggap, lalo halimbawa, kung politiko.

Ang sabi ng grupong ito, tanggap lang daw ang mga bakla at mga tomboy kung mga entertainer sila.

Pero marami sa ating mga kababayan ang parang nakatatanggap na nga talaga sa mga bakla at tomboy.

Depende na lang siguro kung paano nila dinadala ang kanilang mga sarili at kung paano nila napananatili na sila ay maging karespe-respeto at hindi nang-aapi o nang-aagrabyado ng tao.

Marami sa atin ang may mga kaibigan, kapamilya na mga bakla o tomboy.

May mga doktor, guro, mayor at gobernador na mula sa LGBT community.

Hindi mapanghusga ang Pinoy dahil na rin sa pagiging malapit natin sa Diyos.

Marunong tayong magpahalaga ng isang tao lalo na kung miyembro ng ating pamilya at komunidad.

Kung ang isang miyembro ng LGBT ay maayos na namumuhay bilang isang mamamayan na sumusunod naman sa panuntunan ng isang komunidad at may takot sa Diyos, walang dahilan para hindi siya tanggapin bilang isang kababayan, isang kaibigan o miyembro ng pamilya.

Saludo tayo sa Pinoy!

The post LGBT-FRIENDLY appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Inggit Quotes and Taray Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>