Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANAHON NA NAMAN NG DENGUE

$
0
0

bong_padua1TUWING Hunyo taon-taon ay dengue awareness month, paalala ito na mag-ingat dahil mamiminsala na naman ang sakit na dengue.

Mahalaga na malaman ng bawa’t pamilya ang dahilan ng karamdaman na ito na kung hindi kaagad malulunasan ay magiging sanhi ng  kamatayan.

Kaya nga nagkukumahog na ang Department of  Health sa pagpapaalala sa publiko na huwag balewalain ang dengue.

Sa mga local government unit, umiikot ang kanilang mga medical staff para magsagawa ng education campaign sa mga barangay.

Mahirap na kasing masingitan ng sakit na ito.

Sa Malabon, aktibo na ang City Health Department sa kampanya para mailayo ang mga residente sa mapamuksang virus na ito.

Katunayan, nag-sponsor si Dr. Rommel Lizan, ang city health officer, ng pulong ukol dito (Dengue Update and Advocacy Meeting) noong  Hunyo 13.

Dinaluhan ng mga barangay lider, guro at magulang, layunin ng nasabing pagpupulong na ikilkil sa isipan ng mga dumalo ang masamang dulot ng sakit na dengue sa mga dinadapuan nito.

Hinikayat ni Mayor Lenlen Oreta na nagsilbing panauhing pandangal ang mga dumalo sa meeting na mag-ingat laban sa sakit na ito.

Napag-usapan din sa meeting na mula Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan, may naitalang 144 kaso ng dengue sa Malabon.

Mababa ito ng 51 porsiyento kumpara sa 296 dengue case na naitala ng kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa mga datos na ito, malinaw na tagumpay ang Malabon sa pagharap ng problema sa nakatatakot na dengue.

Ang tagumpay ng Malabon laban sa dengue ay dahil na rin sa agresibong pagsasagawa ng city health department ng mga kaukulang hakbang para masupil ang mga lamok na pinagmumulan ng sakit na ito.

Kudos sa mga bumubuo ng CHD sa pangunguna – siyempre – ni Dr. Lizan. Dahil sa kanilang maayos na trabaho, tepok ang lamok na may dalang virus na sanhi ng dengue.

The post PANAHON NA NAMAN NG DENGUE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>