Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DRIVERS NG TRICYCLE, PEDICAB, KULIGLIG DISIPLINAHIN NA

$
0
0

_benny antipordaMAY mga nakatatakot o nakaiinis na nagaganap tuwing umulan at bumabaha.

Mayroon namang magagandang bagay.

PAGSASAMANTALA SA PAMASAHE

Isa sa mga isinusumbong sa atin ng mamamayan ang labis na pagsasamantala ng mga traysikel, pedicab, kuliglig at kanto boys sa Metro Manila tuwing umuulan at bumabaha.

Sumisingil ang mga hinayupak na traysikel, pedicab, kuliglig at kanto boys ng napakamamahal sa kanilang serbisyo sa mamamayan.

Akalain ba ninyo na P50 hanggang P150 ang gusto ng mga animal na ito sa bawat isang pasahero kahit sa ilang metro lang na distansya?

Naranasan ang mga pagsasamantalang ito mula sa mga Lungsod ng Pasay, Makati, Maynila, Caloocan at Valenzuela.

Ano kaya ang pupuwedeng gawin sa mga animal na ito para sila matuto?

LUMUSONG NA LANG SA BAHA

Para sa mga ayaw makipag-away, lumulusong na lang ang mga ito sa baha at lumalakad.

Lumulusong din sa baha ang mga walang gaanong bitbit.

Pero ang mga may bitbit gaya ng mga bata at dala-dalahin na mabibigat, napipilitan na lang ang mga ito na kumagat sa pagsasamantala ng mga kumag.

Wala ka tuloy magawa kundi pumatol sa mga walang pusong drayber na ito.

DISIPLINAHIN

Bagama’t marami naman ang mga may konsiderasyon, dumarami ang mga kumag na ito sa oras ng kagipitan na dinaranas ng mga mamamayan.

Dahil nagdudulot ang pagsasamantalang ito ng matinding problema sa mga mamamayan na karaniwang mahirap ang pamumuhay, maganda sigurong makialam ang mga awtoridad dito.

Ang tanong, eh, pupuwede bang dakpin ng mamamayan ang mga ulol na ito?

At kung dadalhin ng mga mamamayan sa pulisya ang mga ito sa kanilang mga istasyon, ano-ano ang mga magiging aksyon ng mga ito?

Paano ba kakasuhan ang mga ito ng mga pulis at paano ba mae-encourage na magiging saksi sa kaso ang mga mamamayan?

Ano-ano ang mga madaliang aksyon ng mga pulis at iba pang mga kinauukulan sa problemang ito?

PAG-AARI NG MGA PULIS, ETC

Sa pagtatanong-tanong natin sa paligid kung kani-kanino ang mga traysikel, pedicab at kuliglig, marami pala sa mga ito ang pag-aari ng mga pulis, taga-city hall, chairman ng barangay at kagawad.

Kaya naman, ganun na lang ang tapang ng mga driver ng mga sasakyang ito kung kinokompronta sila ng mga mamamayan.

Paano ngayon aaksyunan ng mga pulis, barangay official at taga-city hall ang mga reklamo ng mamamayan?

Baka sa simula pa lamang ay madismis na ang mga kaso.

Paano naman ang mga biktimang mamamayan?

HINDI NAKITA NI DAN BROWN

Isa ito sa mga problema na maaaring hindi nakita ni Dan Brown nang tawagin nitong kasama sa Gates of Hell ang Kamaynilaan.

Mas marumi pa sa basura at polusyon ang nagaganap na ito sapagkat nanggagaling ang problema sa maitim na budhi.

Akalain mo bang sinasamantala ng mga animal na driver ng mga traysikel, ku-liglig at pedicab ang mga mamamayan sa oras ng kagipitan.

SINA MAYOR AT ANG MMDA

May mga nag-react laban kay Dan Brown nang i-publish nito sa kanyang aklat na “Inferno” na kasama sa pintuan ng impiyerno ang Manila o Metro Manila sa kabuuan.

Paano kung nabiktima si Dan Brown ng mga hinayupak na mapagsamantala?

‘Di lalo sanang nagkaloko-loko ang kanyang isinulat!

Ngayon, mga Bro, dapat na harapin at disiplinahin ng Metro Manila Development Authority at mga mayor ng mga lungsod ang mga tarantado.

Kung kinakailangan na ikansela ang prangkisa o permit ng mga ito kaagad kung may magreklamo, gawin na.

Susunod na lamang ang mga kasong nararapat dito.

KASO VS PATAYAN

May paniniwala tayo na isang araw ay may magpapatayan dahil lamang sa pagsasamantalang ito.

Hindi imposible na lilitaw na banner ng ating diyaryo na Remate ang pagpatay ng isang pasahero sa driver ng traysikel, kuliglig o pedicab dahil lamang sa mahal na pasahe.

Kung hindi naman, ang pasahero ang mamamatay.

Ganito kaseryoso ang usaping ito, mga Bro, kaya nananawagan tayo sa mga awtoridad na disiplinahin ang mga driver ng mga nasabing sasakyan.

LEPTOSPIROSIS AT IMPEKSYON

Dahil sa pagsasamantalang ito, hindi imposibleng marami ang magkakasakit ng leptospirosis at impeksyon sa mga sugat sa paa o hita dahil sa kanilang paglusong sa baha dahil sa mga mapagsamantalang driver.

At maaapektuhan na naman ang buhay at kalusugan ng maraming mamamayan.

Ang tanong, eh, pupuwede bang makatulong ang Department of Health sa ibang ahensya ng pamahalaan para disiplinahin ang mga driver?

‘DI MADARAAN SA SAYAW

Hindi madaraan sa pagsayaw-sayaw ng mga taga-DOH ng Gangnam style o chacha ang kagaguhan ng mga driver, lalo na ang pagkakasakit ng mamamayan dahil sa kagaguhan.

Dapat na itaas ng DOH ang antas ng pag-uusig nito sa mga dumadapong sakit ng mamamayan gaya ng pakikipagtulungan nito na madisiplina ang mga nasabing driver.

Anong masasabi ninyo riyan sa DOH?

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

The post DRIVERS NG TRICYCLE, PEDICAB, KULIGLIG DISIPLINAHIN NA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Lagarto para colorear


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>