TAG-ULAN na naman at katulad ng dati ay inaasahang tataas na naman ang kaso ng dengue sa buong bansa sa susunod na mga araw kaya paulit-ulit na nananawagan ang Health Department sa publiko na mag-ingat at linisin ang kapaligiran.
Dahil dito ay pinaigting ng (DOH) ang kanilang kampanya laban sa dengue kung kaya nakipagkasundo sila sa tatlong ahensiyang pamahalaan para sa kanilang programa sa pag sugpo sa dengue. Ang tatlong ahensiyang pamahalaa na makatutulong ng DOH sa kanilang kampanya laban sa dengue ay ang Department of Interior and Local Government, Department of Science and Technology at Department of Education.
Sinasabing ang DILG ang mangunguna sa mga barangay sa clean up campaign habang ang DepEd at DOST naman ang mangangasiwa sa paglalagay ng mga trap sa lamok sa mga paaralan.
Magmula noong buwan ng Enero ay umabot na sa bilang na 42,000 ang tinamaan ng sakit na dengue na ayon sa record ng DOH ay nasa 200 ka tao na ang namamatay.
Nakaaalarma ang bilang ng mga tinamaan ng sakit na ito lalo na ang mga namamatay , kaya dapat siguro na tayo na ring mga tao ang kusang maglinis ng ating kapaligiran. Ang bilang ng mga tinamaan ng sakit na dengue ay naitala sa tag-init kaya ngayong tag-ulan ay posibleng lumobo pa ito, lalo na kapag nagpabaya o patulog-tulog ang apat na ahensya ng pamahaan na naka-monitor dito.
Maganda ang ginagawang paalala ng DOH sa publiko ngunit kahit anong ganda ng kanilang programa kung tayo naman ang hindi sumusunod sa kanila ay wala ring mangyayari lalo na ang mga taong nakatira sa mga depressed area.
Walang pinipiling biktima ang dengue, mayaman man o mahirap, bata man o matanda ay tinatamaan nito kung kaya kinakailangan ang malinis at maayos na kapaligiran.
Ang sabi ni DOH Secretary Enrique Ona, ang buwan ng Agusto at Setyembre ang maituturing na peak season ng dengue sa bansa kung saan ang nasabing mga buwan ay kasagsagan ng ulan.
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag text lang po sa 09165571946 at 09087230036 o kaya ay mag email lang sa… lpr_2012@yahoo.com
The post 4 AHENSIYA NAKATUTOK VS DENGUE appeared first on Remate.