Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA BOLERO’T SALSALERO

$
0
0

ed verzolaARAW-ARAW, balita ang pag-alis ng mga negosyante, dayuhan man o lokal sa ating bansa.

Hindi lang iyon, dala ang kanilang malaking bulto ng pera na puhunan nila.

Hindi ilalagak sa mga bangko sa labas ng bansa kundi gagamitin na kapital mismo sa dayuhang lupa. Quo vadis Filipinas?

Taliwas sa naggagandahang balita na ipinalabas ng Malacanang at mismong si Pangulong Benigno Aquino III, ang bumasa at nagtalumpati sa iba’t ibang  organisasyon sa bansa pati na sa mga dinarayong bayan.

Noong una, ipinagmalaki ni G. Aquino na nakabawi na ang ekonomiya kaya naman nagpautang pa siya ng US$ 1 bilyon sa International Monetary Fund (IMF) ngunit makalipas lang ang isang linggo ay nangutang naman siya ng doble o mahigit pa na halaga.

Kung para saan ang inutang, tanging sila lamang ang nakaaalam.

Kamakailan ay ipinagyabang ng Malacanang, at mismong si PNoy ang mataas na gross domestic product (GDP) dahil daw sa ma-husay na pagmaniobra ng kanyang liderato.

Wala pang isang linggo, binu-laga tayo ng magkakasunod na pagtaas ng halaga ng mga bilihin  kasama na ang langis, petrolyo’t mga kauring produkto. Hilahod ang sambayanang Filipino!

Eksaktong isang linggo, para naman sa larong domino ang nang-yari na pagbagsak ng kalakalan sa Philippine Stocks Exchange (PSE) sa magkakasunod na araw na nagbigay hudyat din sa pagbagsak ng piso kontra dolyar.

Ayon sa mga nakausap natin na eksperto sa pananalapi at kalakalan, aabot daw sa mahigit P50 ang palitan kontra dolyar bago matapos ang taon! Nakatatakot na senaryo na magdudulot ng kahirapan pa.

Ito ang sinasabi natin noon pa. Kung naging tapat sana sa mama-mayan ang rehimeng Aquino, baka maunawaan pa natin ang pagsad-sad ng ekonomiya. Baka tumulong pa ang mga sangkot na sektor. Hindi “tatakas” ang mga negosyante pala-bas ng bansa. Pinagtatawanan lang tuloy tayo.

Sobrang bolero’t salsalero ang mga tagasulat ni PNoy. Sobra ang pakulo kaysa sustansiya.

Mala-melo drama’t telenobela na animo ay totoo ang pag-unlad at pagsulong ng bansa. ‘Yun naman pala, natutuyo na ang balon ng yaman natin.

Ibig lang sabihin hindi kayo nakatutulong kay G. Aquino, bagkus, ibinabaon ninyo siya sa putik ng kasalanan at kayabangan! At paparating pa ang SONA.

Ano na naman kayang pambobola at pagsasalsal ang isusulat ninyo para lansihin ang sambayanan?

May kasabihan tayo na mas mabuti ang maging tapat kaysa gumawa ng taliwas sa katotohanan. Ang inyong kasinungalingan ay magbubunga lang ng gulo.

Sana kung hindi kayo nabu-buko. Mismong paslit ay alam na ang mga artikulo ninyo na pawang yari sa pambobola at pagsasalsal lang ninyo!

The post MGA BOLERO’T SALSALERO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>