SA susunod na buwan, sa pagbubukas ng Kongreso ay nakatakdang magsagawa si PNoy ng SONA. Sa pamagat pa lang na State Of the Nation Address ay inaasahang iuulat ng Pangulo ang kalagayan ng bansa at ma-ging ang kanyang mga gagawin kung paano patatakbuhin ang pamahalaan.
Sa unang SONA ni PNoy (2010), tuwang-tuwa ang mga nakikinig dahil bumaha ng batikos ang dating administrasyon ni GMA sa pagkakasangkot nito sa sandamakmak na kabulastugan.
Sa ikalawang SONA (2011), may mga nagtaas na ng kilay kung bakit bumaha pa rin ng batikos kontra sa nakaraang administrasyon gayong nakaisang taon na si PNoy sa pwesto. Na hindi na siya dapat mamuhay sa multo ng nakalipas, bagkus ay dapat nang maglatag si PNoy ng sariling plano para sa mahigit 90 milyong Filipino.
Sa ikatlong SONA (noong nakaraang taon) bumaha naman ng pangako upang paasahin ang taumbayan kung paano ni PNoy bibitbitin umano tayo sa sanlibo’t isang paraiso! Pati problema sa baha sa Metro Manila ay nakalatag na umano ang kanyang Master Flood Control project.
Pero nang biglang bumuhos ang ulan noong nakaraang araw ay mistulang regalo ni PNoy ang malawakang baha sa Kamaynilaan. At sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa! Nasaan na ‘yang lintek na ipinangalandakang Master Flood Control project? Ha? Sa darating na buwan, natitiyak ko parekoy na sa paglatag ng SONA ay muling ba-bahain tayo ng kung anik-anik na mga pangako ni PNoy!
Tangnang buhay na ito, oo, kung ordinaryong baha sa Kamaynilaan at sa iba’t ibang bahagi ng Pinas ay hindi kayang lutasin, daragdagan pa ng “baha ng kaepalan” sa SONA!
Kung umaplay na lang kaya tayo sa planetang Mars, may PNoy pa kaya roon? Hak, hak, hak!
-o0o-
HANGGANG sa pergalan lang pala epektibo ang kamandag ni 4-A Regional Director Benito Estipona. Dahil nung minsan nating binatikos ang pergalan sa buong Calabarzon ay kaagad itong pinasarado ni RD.
Kaya nga agad nating pinuri si Gen. Estipona bilang pagkilala sa kanyang pagnanais na mawala ang iligal na sugal. ‘Yun pala ay pergalan lang ang kayang linisin ni RD! Dahil ilang batikos na sa media ang inabot ng iligal na sugal na may codename “ROLY” ay tila walang naririnig si Gen. Estipona! Ang “Roly” parekoy ay kasalukuyang namamayagpag sa Sta. Rosa, San Pedro, San Pablo at Calamba City.
Ang itinuturong utak nito ay isang Col. Craft bilang bangka nasyunal na siyang nagpaparating ng lingguhang lagay sa mga politiko, CIDG, NBI, DILG, local PNP at maging sa Regional PNP command. Isang sampol nga RD para mawalis na si Col. Craft. Kung kaya mo!
The post WALISIN SI COL. CRAFT AT BABAHAIN ANG KONGRESO appeared first on Remate.
