Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DENGUE BANTAYAN AT PAGTAKAS NG KOREANO SA RAPE CASE

$
0
0

benny antipordaHINDI biro-biro ang pananalasa ng dengue sa mahal kong Pinas.

Mula sa mahigit 42,000 kaso sa buong bansa, nasa 200 na ang namatay.

Ganyan katindi, mga Bro, ang dengue.

Papatayin ka kung ‘di mo maagapan.

‘Yun bang === kung hindi mo maitakbo ang sarili mo sa ospital makaraan kang lagnatin ng kung ilang araw, magkaroon ng mga butlig sa katawan, magsuka at magkaroon ng uhog na dugo at iba pang palatandaan nito.

LUMABAN SA DENGUE

Para hindi tayo masama sa mga biktima ng sakit na ito, dapat tayong magsama-sama sa pagkilos laban dito.

Kahit paulit-ulit ang mga babala ng mga awtoridad ukol sa sakit na ito, nananatiling pabaya ang marami sa atin sa pakikipaglaban.

Halimbawa, pinababayaan natin ang mga binabahayan at pinag-iitlugan ng mga lamok sa ating paligid.

Kabilang sa mga itlugan ng mga lamok na may dalang dengue ang mga nakatihayang plato, balde at iba pang nag-iipon ng tubig na malinis na pinupuntahan, binabahayan at pinag-iitlugan ng mga lamok.

Kaya naman, simple lang ang gagawin dito: libutin natin ang ating mga bahay, loob at labas, at alamin ang mga namamahay na tubig.

Hangga’t maaari, walang pagtatagalin na tubig sa ating mga nilalagyan ng tubig.

Itapon o gamitin ang mga ito bago mag-isang linggo.

Kung may mga nagbabahay-bahay namang mambobomba, gabayan sila para matamaan ang mga pinaniniwalaan nating pinagkukublihan ng mga lamok sa loob at labas ng ating mga bahay o anomang istruktura na mayroon tayo.

SARIWANG KAPALIGIRAN

Kapag may nadengge tayong kapitbahay, dapat na kumilos tayong lahat at tulong-tulong na maglinis sa buong kapaligiran natin.

Kung hindi na nating kaya ang lahat, lumapit tayo kina tserman at kagawad at humingi tayo ng tulong sa kanila para mapuksa ang mga lamok.

Maliban lang kung ang dumapong sakit sa atin ay nagmula sa ibang mga lugar.

Gaya ng kaso ng mga mag-aaral an sa eskwela sila tinatamaan.

Basta magtulugan tayo, kaya nating labanan ang sakit na ito na nagbabaon sa atin sa ilalim ng lupa at utang sa mga usurero at mga doktor at ospital.

MGA UZITEXT

Narito naman po ang ilang mensahe ng ating mga tagasubaybay sa pamamagitan ng text.

PNOY SUPORTAHAN

Suportahan na lang natin ang pagsisikap ng ating Pangulo na mapangalagaan at maiayos ang ating bansa.  Marami man ang bumabatikos sa kanyang pamamalakad, ‘wag natin siyang batikusin.

Maaari rin na ‘yang mga nakapaligid sa kanya ang hindi malinaw ang mga iniuulat sa kanya kaya lumilihis siya sa kanyang pagharap sa mga problema ng bansa.

Mahirap ang mamuno at maging ama ng bansa, sana ay mapag aralan niya ang lahat at may matigas na paninindgan sa ating mga kapwa mamayang Filipino.

WALANG MATINO  NA TAONG PNOY

Talagang walang matino na gagawin ng ilang opisyal ni PNOY kundi ang kanilang pansarili lamang.

Nagpapayaman lang sila.

Ngayon naman, ang mga opisyal ng Embahada sa  Middle East at Europe ang nanghihikayat sa mga babae na makipag-sex para lang makalibre sa flight nila para pauwi.

Confirmed ito mismo ng isang Pinay na  nakipag­talik sa Embahada sa Jordan at nandito na siya sa Pinas.

‘Yun lang, nahihiya itong Pinay na humarap sa pag-uusig matapos itong magreklamo.

Ito ang Matuwid na Daan ni PNOY.

DE KURYENTENG SASAKYAN

Diesel at gasolina. Linsyak talaga ang paulit ulit at biglang pagtataas ng presyo.

Walang pakundangan, walang sabi-sabi at gugulatin na lang nito ang mga nagha­hanapbuhay sa pagmamaneho at pamamasada.

Nagkikibit- balikat at wala na silang magawa para umangal pa.

Sa harap ng 3 hari at siga na nagtataas ng presyo na  Petron, Shell, Caltex, dapat na talagang subukan natin ang mga sasakyang de kuryente at para wala na ang  gasolina at diesel, wala nang  langis at wala nang magtataas pa ng presyo.

PAGSASAMANTALA NG GURO

Gud am, sir. Avid reader niyo po ako.

Pakikalampag naman po ‘yung mga kinder teacher diyan sa Central Elementary School sa Silang, Cavite. ‘Yung 1 page na xeroxed na assignment na pinagagawa sa mga bata, eh, pinababayaran ng P3 per page. P.50 lang naman ang pa-xerox sa 1 page.

Baka ho ‘yung materials na gustong pagamit sa mga bata, eh, poster paint pa na halagang P20 ang isa, eh, puwede namang water color na lang. More power po!

TURUAN NG MMDA, DPWH

Marhay na bangui po, sir.
Napanood ko Lang po sa balita na nagtuturuan daw ang MMDA at DPWH sa nangyaring pagbaha riyan sa Metro Manila. Imbes na magturuan at magsisihan ang MMDA at DPWH sa pag­baha, bakit hindi na lang magtulungan ang ito para maayos ang problema? Hindi ‘yung magsisihan sila. Wala ring magandang mangyayari.
Thanks, sir. More Power.

MANILA COPS AT RAPIST

Sana ipataw ang karampatang parusa sa dalawang bugok na pulis ng Rizal Park na sakop ng MPD Ermita Station 5 na sina PO2 Felipe Manlutac at PO2 Jess Sabado delos Reyes sa sadyang pagpapatakas sa isang Koreano na may kasong rape at frustrated murder.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa  09214303333.

The post DENGUE BANTAYAN AT PAGTAKAS NG KOREANO SA RAPE CASE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>