Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PDEA BOSS VS PDEA AGENT

$
0
0

bong_padua1MATINDI ang akusasyong ibinabato ni Philippine Drug Enforcement Agency agent Jonathan Morales laban sa kanyang boss, Dir. Gen.  Arturo Cacdac.

Sa ilang beses na panayam sa media, ibinulgar nito ang na-mamayaning demoralisasyon sa ahensya dahil sa ‘nakadududang’  management style ni Cacdac.

Ginamit ni Morales ang salitang ‘takot’ sa pagsasalarawan kay Cacdac sa mga drug lord. At kung ‘di takot, baka siya’y may tina-tanggap, ayon kay Morales.

Ngunit pinabulaanan naman ito ng retiradong heneral – turned PDEA boss. Marami raw kasi siyang pinakasuhang agent na sa kanya ngayo’y nagagalit.

Akusasyon  versus akusasyon,

pero, siguro’y bahala na ang taumbayan sa paghimay sa umiinit na isyung ‘yan sa PDEA – kung sino ang tama kina Morales at Cacdac.

Nakalulungkot lang isipin na imbes na magkaagapay laban sa problema ng droga ay nag-aaway  ang mga ito at mga personal na interes ang malinaw na dahilan.

Marapat sigurong kumilos si Pangulong Aquino para malaman ang katotohanan sa mga nakababahalang akusasyon ni Morales at Cacdac sa bawa’t isa.

Dapat tandaan ni PNoy na ang nag-aaway na mga tauhan ay nagtatrabaho sa isang opisina ng pamahalaan na ang pinag-uusapan ay droga. Ang droga  ang dahilan kaya maraming Juan ang napapariwara ang buhay.

DILG BOSS VS PNP BOSS

Tila uso ang away sa mga bata ni PNoy.

Sa widely-read na Pauls’s Alarm column (July 9) ni katotong Paul Gutierrez, natalakay nito ang sigalot nina Sec. Mar Roxas at Dir. Gen. Alan Purisima. Sa mga source ko rin sa Crame kung saan ay mahigit isang dekada akong beat reporter noon ng Journal, kinumpirma nila ang away  sa pagitan ng dalawang opisyal.

Aba’y  Mr.  President, dapat ka nang mamagitan dahil sa totoo lang, sisimangot na naman si Mang Juan. Itinalaga mo kasi sila sa puwesto, eh!.

MAY GULO RIN SA KAMARA

Speaking of away, naku, eh, diyan pala sa Media Relations Service sa Kamara, nauwi na sa demandahan ang sigalot ng mga boss at mga subordinate nila.

Samu’t saring problema ang dahilan, kaya kailangan sigurong kumilos din si Speaker Sonny Belmonte para magkaigihan na ang mga taga-MRS.

Imbes na kayo ang nagpapa-labas ng balita, kayo ngayon ang nababalita.

The post PDEA BOSS VS PDEA AGENT appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>