Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

IGINAWAD NG CHINA SA KAISA-ISANG FILIPINO ANG OUTSTANDING BUSINESS LEADER AWARD 2013

$
0
0

hilda-online-logoANG China Outstanding Business Leaders Forum ay nag-daos ng kanilang 4th Outstanding Chinese Business Leader Award noong nakaraang June 2, 2013, sa Beijing National People’s Congress (NPC) Centre, sa Beijing China.

Ang limampung (50) kandidato na lahat ay mga business leader mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Sila’y pinili sa pamamagitan ng screening at sa bandang huli ay naging labing anim (16) na lamang sila, na mabibigyan ng award sa pamamagitan ng open voting system.

Ang lahat ng 16 na awardees ay mga kapuri-puring mga business leader na may katalinuhan, magagandang adhikain at kumakatawan sa mga pinakamabubuti at magagaling sa China.

si Dr. James G. Dy ay kaisa-isang Filipino na ginawaran bilang isang Outstanding Chinese Business Leader Awardee para sa taong ito, mula sa Pilipinas. Ang gawad pagkilala ay iprinisinta kay Dr. Dy ng Chinese People’s Association Friendship, kasama si Foreign Countries Chairman Chen Hao Su, na anak na lalaki ni Marshal Chen Vi. Sa panahon ng seremonya ng pagbibigay sa gawad ng pagkilala.

Inihayag ni Dr. James Dy ang kanyang pasasalamat sa China Outstanding Business Leaders Forum at sa organizing committee, at kanya ring inihandog ang karangalan sa lahat ng Filipino-Chinese, sa lahat ng sulok ng mundo.

Umaasa si Dr. Dy na ang pagkilala sa kanya bilang isang Filipino-Chinese ay magkakaroon ng mabuting pagkakaibigan at ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at China, gayundin ang pagkakaroon ng pagkakaisa para sa mga Filipino-Chinese community.

Si Dr. James G. Dy ang kasalukuyang Presidente ng Philippine Chinese Charitable Association Inc., (PCCAI), at siya ring nagmamay-ari at nagpapatakbo ng Chinese General Hospital at Medical Center, at siya ring Chairman ng Filipino-Chinese General Chamber of Commerce Inc., (FCGCCI).

The post IGINAWAD NG CHINA SA KAISA-ISANG FILIPINO ANG OUTSTANDING BUSINESS LEADER AWARD 2013 appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>