Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

AGAW-EKSENA ANG CHR

$
0
0

bobby-ricohermosoHINDI na ako nagtataka kung bakit minsan ay hindi magawa nang buong-buo ng mga kapulisan natin ang tungkulin nila na habulin at lipulin ang mga masasamang tao at kriminal sa ating lipunan.

Madalas kasi na sa huli ay sila ang nalalagay sa alanganin at nakakasuhan pa kapag ginagawa nila ang kanilang trabaho.

Katulad na lang halimbawa sa kaso ni Sally Uy, ang negosyanteng kinidnap sa Quezon City bago dinala ng mga kidnaper niya sa Davao City kung saan ay doon siya nailigtas ng mga awtoridad.

Sa ginawang pagliligtas kay Uy ay nagkaroon ng barilan sa pagitan ng mga pulis at mga suspek at gaya ng alam na natin ay tatlo sa mga kidnaper ang nasawi at isa ang nadakip.

Dahil sa ginawang kabayanihan ng mga pulis Davao ay dapat mabigyan sila ng commendation, subalit kabaligtaran ang nangyari dahil sila pa ang iniimbestigahan ngayon
ng Commission on Human Rights (CHR) ni Chairman Etta Rosales.

Agaw-eksena na naman si Rosales dahil idineklara niya sa mundo na hindi shoot-out kundi isang rub-out ang nangyaring engkuwentro.

Ang basehan niya ay ang isang video footage na nakuha ng ABS-CBN kung saan makikita ang isang suspek na tila aktong susuko na subalit aniya ay tinuluyan pa ring barilin ng mga pulis.

Iyon ang konklusyon niya bagama’t hindi naman hayagang nakita sa video ang nangyaring pagbaril sa suspek.

agiging katawa-tawa itong si Rosales sapagkat tila wala siyang pakialam kung ano ba ang dahilan at bakit napunta sa ganoong sitwasyon ang mga pulis at ang mga suspek.

Dapat niyang intindihin na may nangyaring kidnapping, kaya rumesponde ang mga pulis para
iligtas ang biktima.

Nangyari rin ang barilan sa katanghalian kaya imposibleng gumawa ng kalokohan ang mga pulis.

Puro karapatan ng mga suspek ang naalala ni Rosales at nakalimutan na niya na may karapatan din ang biktima at ang mga pulis na tumulong sa kanya.

Paano kaya kung sa panahon ng rescue ay nasawi ang biktima o ‘di kaya ay ang mga pulis na tumulong sa kanya, magpapatawag pa rin kaya ng imbestigasyon si Rosales para imbestigahan ang mga suspek? Palagay ko panahon na para rebisahin ang mga batas natin hinggil sa karapatang pantao at gawin itong patas para sa lahat at hindi para sa mga kriminal lamang.

The post AGAW-EKSENA ANG CHR appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Tagalog Love Quotes – Nagmamahal


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>