MATAGUMPAY man na nagawan ng paraan ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology na maipasibak ang isang warden na nasa ilalim ng kanyang pakpak dahil sa pagtanggi sa pagbibigay ng 5 porsiyento mula sa pondo nito, unti-unti namang nabubuksan ang ‘Pandora’s Box” ng mga ginagawa niyang katiwalian.
“Walang Tulugan” ang laro ni Carmi Martin (read as Karma) kung kaya’t marami ang naglalabas ng anomalya sa katawan nitong opisyal na kumikita ng milyon-milyon sa porsiyento mula sa mga warden bukod pa sa kabahagi niya sa ibang kita sa kulungan.
Wala ngayong kakampi itong mataas na opisyal dahil sinosolo niya ang milyon-milyong kita bawat buwan at kinalilimutan ang mga kasama niyang opisyal sa ahensiya.
Sa mga pumuputok na isyu laban sa opisyal, “moro-moro” lang ang imbestigasyon na ginagawa sapagkat mismong ang mga tauhan niya ang naatasang mag-imbestiga at hindi ang BJMP headquarters.
Natural lang na linisin ng kanyang mga tauhan ang kanyang pangalan.
Pero ngayon ay ninenerbiyos na itong mataas na opisyal sapagkat may mga opisyal din na hindi nasisiyahan sa kanyang palakad sa kanyang tanggapan lalo pa at inilagay niya ang mga ito sa floating status gayong kung sa kanya rin lang naman ay mas may potensiyal at kakayahan ang mga ito.
Ipinagyayabang nitong mataas na opisyal na walang bilang ang mga opisyal na kanyang inilagay sa floating status pero ang totoo, dahil ayaw ng mga ito na makisama sa kanyang pagiging tiwali at suwapang sa salapi.
May balita pa na alaga niya ang bigtime pusher ng drugs sa isang kulungan sa Metro Manila na nahaharap din sa mga kaso ng droga sa korte sa Northern part ng Kamaynilaan.
Noong nagdiwang ng kaarawan ang bigtime pusher na ito ay hindi pinayagan ng jail warden na magkaroon ng handaan sa kulungan at maipasok ang Toyota Fortuner nito sa compound subalit dahil sa utos ng mataas na opisyal ay tuloy ang kasiyahan.
Sa magkano kayang halaga inareglo ang opisyal? Aba’y daang libo tiyak ang kinita ng opisyal.
Ngayon, unti-unting lumalabas ang mga katarantaduhan niya sa mga kulungan at sa pagkakaalam niya ay nakarating na ito sa Department of Interior and Local Government na nagsisimula nang magpaimbestiga.
Dinadaga tuloy ang dibdib ng opisyal.
The post OPISYAL NG BJMP NINENERBYOS appeared first on Remate.
