Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGHANGA O REKLAMO

$
0
0

intonHALOS umabot ng dalawang oras ang haba ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong Lunes.

Marami siyang mga mahahalagang plano o pangako na inulat sa mga tao.

Ilan na rito ang pagpapalawig pa ng programa ng Conditional Cash Transfer (CCT).

Ito ‘yung programa na binibigyan ng buwanang tulong pinansyal ang mga mahihirap nating mga kababayan sa kondisyon na piliting makatapos ng elementarya ang kanilang mga anak.

Maraming aspeto pa ang CCT, pero ang mas palalawigin pa ay iaangat sa high-school at hindi lang sa elementarya ang sakop ng mga benepisyaryo ng CCT.

Ang ibig sabihin ay makasasali sa CCT program ang mga mahihirap na pamilya hanggang sa makatapos ng high school ang kanilang mga anak.

Marami ang ayaw sa CCT program ng Pangulo, marami pa rin ang hindi kumbinsido na ito ang sagot sa kahirapan dahil ginagawa umanong tamad ang mahihirap at ang gobyerno ang pinasasagot sa responsibilidad nila sa kanilang mga anak bilang mga magulang.

Pero may mga humahanga at mataas ang pagpupugay sa CCT.

Malaki raw ang tulong ng programa sa mga kapos nating kababayan at libo-libo na  umano ang mga natulungan nito.

Naging pinakakontrobersyal ang patutsada ni PNoy sa Bureau of Customs.

Harapang pinagalitan ng Pangulo ang buong ahensya dahil sa hindi pa raw nito nakakamit ang pagbabago.

Trending na sa twitter ang pahayag ng Pangulo na “saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha”.

Ang sabi ng marami hindi raw “Presidentiable” ang ganoong pahayag.

Hindi raw makatarungan na pagalitan ang isang buong ahensya sa harap ng milyong mga nanonood ng SONA gayong marami pang mga ahensya ang palpak pa rin ang performance.

Pero marami rin ang humanga sa pagiging “candid” umano ng SONA ni PNoy, lumabas ang pagiging tapat ng Pangulo at ang tapang nito sa planong pagpuksa sa korapsyon.

Hati ang opinyon ng marami.

Kayo ano ang reklamo n’yo sa SONA o saan kayo humanga?

Mag-text lang kayo sa 09173147235 o email sa ariel.inton@gmail.com.

The post PAGHANGA O REKLAMO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>