BIBIGYANG daan muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na text messages at mga nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at proteksyon.
Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa Lily’s Files column natin at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.
MAGANDANG araw po, m’am. Ano po ba itong ginagawa ng COMELEC? Nagpapalagay po sila ng P200 sa bawat isa sa mga nagpaparehistro para sila unahin. Sinasamantala nila ‘yung mga tatakbo sa barangay election kasi sila ‘yung mga naghahakot ng mga tao para iparehistro.
Mga taga-COMELEC, mahiya naman kayo, gawin n’yo ‘yung trabaho n’yo. Maawa naman kayo, ang tibay ng mga pagmumukha niyo. 0926_9_2_1_.
NAGBABASA po ako ngayon ng column n’yo sa Remate, Lily. ‘Yung tungkol sa kababuyan, este, kabahuan ng babuyan mismo sa centro ng Labo, Lucban St., Cam. Norte, may ganyang problema rin po. Pakigising lang po si Mayor Joseph Ascutia, para naman mawala ang kakaibang perfume na dulot ng kabaligtaran ng amoy ng sampaguita. Ty po. 0949_8_0_0_.
REKLAMO ko lang po ang patuloy na pagdami ng mga tong collector dito sa Quiapo. Dati kay alyas Bong at alyas Allan lang kami nagbibigay. Nadagdagan pa ngayon dahil may nadagdag na buwayang pulis na kung tawagin nila ay Tata Racho. Tao raw po siya ni Tata Robles at may kasama pa itong si Tata Racho na kolektor, isang alyas Jimboy.
Pahirap po talaga sila sa aming mga vendor dito sa Quiapo. Nagpapakahirap po kaming magtinda, umulan at umaraw, pero ‘yang mga buwayang pulis na ‘yan ay ayaw lumaban nang parehas. Akala naming mga vendor ay makaluluwag na kami ‘pag napalitan ang mayor, ‘yun pala ay lalo pa kaming nabaon sa utang sa 5/6 dahil grabeng mangolekta ang mga pulis nitong si Mayor Erap.
ISANG nagngangalang Abet Alvaqan ang nag-o-operate ng bookies ng karera sa Mandaluyong . Nakapayola po ito sa mga pulis ng anti-vice at sa punong barangay. Wala po itong ibang ipinangangalandakan kundi malakas siya sa mga pulis at hindi raw huhulihin ang kanyang operation dahil malaki ang inilalagay niya sa mga ito, maging sa mga opisyal ng barangay.
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09165571946 at 09087230036 o kaya ay mag-email lang sa …lpr_2012@yahoo.com.
The post KOTONG SA COMELEC AT KOTONG COPS SA QUIAPO appeared first on Remate.

