SA isang radio interview kamakailan, ibinahagi ni Cris Aquino, CEO, na nanganganib na ‘mawala’ ang Boracay West Cove dahil sa nakaambang demolisyon na isasagawa sa world-class beach na ito.
Ako’y na-shock, nalungkot at napamura sa pahayag na ito ni Aquino dahil kandarapa nga si Sec. Jimenez para ibenta ang lugmok na turismo natin, ngayon, eh, idedemolis lang ng gobyerno ang West Cove?
Sa kuwento ni Aquino kay Rene Santa Cruz ng DZBB, ang ugat ng demolisyon ay ang ‘di mahinto-hintong ‘black propaganda’ na lumalabas sa media at social networking site laban sa West Cove.
Lumabag daw ito sa environmental laws, subalit, ayon kay Aquino, gaya ng ibang imprastraktura sa Boracay, ang West Cove ay naitayo sa bisa ng Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes.
Ang FLAG-T na umiiral sa Boracay, ayon sa nilalaman ng L.C. Map No.36-42 na nakapaloob sa PD 1064 ay inisyu ng DENR noong Dec. 23, 2009 at may bisa sa loob ng 25 taon, ayon pa kay Aquino.
Pero ang nakapagtataka at ikinalulungkot ko, ‘Bakit ang West Cove lang ang galit na galit na puntirya ng broadcaster na ito at ‘di kilalang mga blogger sa social networking site?” sambit ni Ginoong Aquino.
Ayon pa kay Aquino, malinaw na may ‘hate campaign’ laban sa West Cove at kung sino ang nasa likod nito ay kilala na.
Ito’y mula sa Nueva Ecija na may property sa Boracay at tila, naiinggit kay Aquino.
Kung totoo ang ulat na ‘mawawala’ na nga ang West Cove, ito’y very unfortunate para sa atin dahil nagdala ito at tiyak na magdadala pa sana ng karangalan at ginhawa sa bansa.
Sana maisip ito ng mga naninira sa West Cove.
Dahil sa kakaiba nitong ganda na nagpa-wowwww sa buong mundo, gigibain lang ang West Cove, tiyak na magluluksa ang milyon-milyong humanga na at nais pang makakita sa mala-paraisong resort na ito.
Kung talagang may nilalabag na batas, bakit hindi hanapan ng ‘win-win’ solution para ma-preserve ito?
Dahil sa totoo lamang, nakapanghihinayang na ang ipinagmamalaking tanawin tulad ng West Cove ay sisirain lang.
Dahil lang sa kapritso ng isang naiingit na landgrabber gigibain ang West Cove?
Wowww, hanep, huwag naman, Tsong!
The post BORACAY’S WEST COVE RESORT appeared first on Remate.