Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GOBYERNO NAKATUTOK SA SCAM, IBANG PROBLEMA NAKALIMUTAN

$
0
0

lily's-files-lily-reyesHABANG nakatutok ang lahat sa pork barrel scandal ay parang napababayaan na rin yata ang ibang  problema ng bansa kaya nakapagpatayo raw ng mga concrete block ang China sa may Panatag (Scarborough) Shoal sa West Philippine Sea.

Tsk, tsk, tsk. Sinamantala ng China ang pagiging abala ng mga opisyal ng ating bansa sa pork barrel scam na ito kaya malaya silang  nakapaglagay ng mga concrete block.

Hindi lang ang West Philippine Sea, nakalimutan na rin ng ating mga opisyal ng gobyerno na maraming mga Filipinong nagugutom ngayon  dahil inuuna nila ang pagpaplano kung paano sila makalulusot kung sakaling isangkot sila ni pork barrel queen Janet Lim-Napoles sa  kaso.

At habang isinisigaw ng mga Filipino ang  resign Noynoy at Binay Movement at pag-abolish ng pork barrel ay parang nawala yata sa sarili itong si Senate Finance Committee Chaiman, Senator  Francis Escudero, at sa loob lang ng sampung minuto ay agad nitong inaprubahan ang P2.82 billion na 2014  budget  ni Pangulong PNoy.

Katuwiran ni Escudero na isang administration ally ay wala naman daw  isyu sa Office of the President  (OP) dahil tradisyon na raw na bigyan ng “courtesy” ang tanggapan ng Pangulo at Pangalawang Pangulo.

Kaalyado lang kasi ni Escudero ang Pangulo kaya hindi na ginisa  pa itong si Executive Secretary  Paquito Ochoa, Jr. at inaprubahan agad ang budget. ‘Yan ang Tuwid na Daan ng Pangulong Noynoy.

Kailan pa kaya tayo makae-encounter ng politikong kaalyado ng Pangulo na handang suwagin ang kanyang amo kapag ito ay mali?

Hay naku, kung ganito nang ganito naman ang mga opisyal ng ating pamahalaan, makababangon pa kaya tayo? Kailan tayo kikilos? Kapag lugmok na lugmok na ang ating bayan?

o0o

NARITO sa bansa ang US Department of State  Assistant Secretary na si Ambassador William Brownfield, para  pangunahan ang  International Narcotics and Law  Enforcement Programming.

Makikipag-meeting daw si Brownfield  sa mga leader ng ating bansa, mga opisyal ng ating law enforcement  at mga representative mula sa iba’t ibang Non-Government Organizations (NGO) para pag usapan ang problema sa droga.

May kahinatnan naman kaya ang pakikipag-usap na ito ni Ambassador Brownfield sa ating mga laaw enforcement agency, partikular na sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA?

Apat na araw na mananatili itong si Brownfield na bukod sa pakikipag-meeting sa ating mga leader ay palalawigin din nito ang partnership  ng America at Pilipinas kaugnay ng  Criminal Justice Systems, counter-narcotics, anti-corruption at police  modernization.

Bukas po ang Lily’s Files para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa  09165571946 at 09087230036 o kaya ay mag-email lamang sa …lpr_2012@yahoo.com.

The post GOBYERNO NAKATUTOK SA SCAM, IBANG PROBLEMA NAKALIMUTAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>