PUMIRMA ng kasunduan ang Pag-IBIG sa pagitan ng University of the Philippines, Diliman (UP Diliman) upang mabigyan ang mga guro at empleyado ng premier state university sa bansa para sa kanilang housing finance services.
Mahigit 3,500 work force ng UP Diliman ang makaaasa na makakamit ang serbisyo mula sa Pag-IBIG Fund.
“Ang event na ito ay mahalaga sa amin, sapagkat ito ay nakalinya sa kagustuhan ng aming Pag-IBIG Board Chairman, Vice President Jejomar C. Binay, upang magkaroon ng disenteng tahanan ang lahat ng manggagawa na siya lamang nararapat para sa kanila, lalo na ang mga guro.
Umaasa rin tayo na mapagsilbihan ang mga empleyado ng UP Diliman at sana ay samantalahin nila ang ganitong mga pagkakataon. Ito ay pasimula pa lamang, kami ay umaasa na marami pang benepisyo ang aming ipagsisilbi sa mga empleyado ng UP Diliman,” wika ni Atty. Darlene Marie B. Berberabe, president and CEO ng Pag-IBIG Fund.
Nagpahayag naman ng kanilang pasasalamat sina Dr. Caesar A. Saloma, UP Diliman chancellor sa kanilang partnership. “Matutupad na ng aming mga empleyado ang kanilang mga pangarap na magkaroon ng kanilang dream house at makaipon para sa kanilang retirement. Maswerte kami sapagkat accredited kami ng Pag-IBIG,” sabi pa niya.
Ang UP Diliman ang kauna-unahang university na nabigyan ng employer accreditation ng Pag-IBIG, nagagawang mas madali para sa kanyang mga empleyado na makakuha ng housing program sa Pag-IBIG.
Kasama ni CEO Berberabe sina Pag-IBIG Deputy Chief Executive Officer for Home Lending Operations Cluster Acmad Rizaldy P. Moti, UP Diliman Chancellor Dr. Caesar A. Saloma at UP Diliman Vice Chancellor for Community Affairs Professor Melania L. Flores.
The post PAG-IBIG AT UP DILIMAN PUMIRMA NG KASUNDUAN UKOL SA KANILANG EMPLOYERS HOUSING appeared first on Remate.
