Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KOTONG KAY ERAP LAGANAP AT ‘BULASTOG’ SA ORMOC

$
0
0

burdado-jun-briones2TUWING magbabasa tayo ng mga kolum sa iba’t ibang pahayagan ay palaging naaagaw ang ating atensyon sa kaliwa’t kanang hambalos kaugnay sa lumalalang pangongotong ng mga pulis at peborit na mga tauhan ni Manila Mayor Erap Estrada.

Nagaganap ang mga ito, ayon sa ulat, mula sa usapin ng trapiko, vendors, iligal na sugal at totnakan. Ika nga, yu neym it . . . dey hab it! Tangna!

Sa totoo lang, kumpara sa nakaraang administrasyon ni “Dirty Harry” ay malala na ‘di hamak ang ulat ng “kotongan” dito kay Erap! Hinala ko, kung hindi man bingi o pabaya si Erap sa katarantaduhang ito ng kanyang mga tauhan ay posibleng siya mismo ang utak!

Sentido kumon lang, parekoy. Kung maagap si Erap o talagang ayaw niya ang nasabing “kotongan”, eh, bakit hindi niya kayang ipatigil? Gaya ng nagaganap sa Sta. Ana kung saan ang mga “tiangge” na nakapaikot sa mismong Stn. 6 at Sta. Ana Church ay walang habas na kinokotongan ng pulis na si alyas “Ma’am Susan”.

Kahit anong gawin ng hinayupak na pulis na ito ay hinahayaan lang ni Col. Bernardino Cubacub dahil magreretiro na rin lang naman daw si Susan. Kaiba naman ito sa ipinangangalandakan mismo ni Susan habang nangongolekta dahil inuutusan lang daw siya ni Kernel!

Ang masakit Mayor Erap, ang nasabing mga “tiangge” ang pinagkukuhanan ng pangkape ng mga nagpupuyat na tanod sa magdamag na pagroronda! Ibig sabihin, nilapastangan na nga ang mga brgy. na nakakasakop ay inagaw pa ang pampainit-sikmura ng mga tanod!

‘Yan ba ang Erap para sa mahirap? Hindi ba “Erap, salot sa mahihirap?”

-o0o-

Sa Bisaya, “bulastog” ang tawag sa wala nang ginawa na matino kundi puro kapalpakan. Kaya hindi natin maialis sa mga taga-Ormoc City na bansagang “bulastog” ang asawa ni Mayor Ondo Codilla na si Madam Violy.

Maliban sa ito umano ang nag-pressure sa CSWD na huwag paraanin ang “relief goods” sa mga kapitan na kontra-partido ay pinakikialaman pa nito ang trabaho ng mga opisyal. Gaya na lang ng bumili ito ng mga t-shirt na may tatak na PULIS!

Ayon sa makitid na utak ni Violy, ipasusuot daw sa mga sibilyan para magmukhang marami ang kanilang pulis upang maiwasan ang “looting”. Langya, labag sa batas ‘yang ideya mo, Ma’am Violy! Kung hindi rin lang makaisip ng maganda ay itigil na muna ang pag-iisip! Hak, hak!

The post KOTONG KAY ERAP LAGANAP AT ‘BULASTOG’ SA ORMOC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>