Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HITMEN SA SUBIC AT OLONGAPO BILANG FREEPORT

$
0
0

ito ang totoo“MARAMING negosyante sa Subic Bay Freeport ang nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa mga mandurugas na nagpapakilalang “hitmen” o bayaran para pumatay ng tao.

Ito Ang Totoo: tatawag sa telepono ang mga amag at sasabihin sa negosyante na ipinapapatay ito sa kanila sa halagang P150K.

Galing pa raw sila sa Mindanao pero matapos malamang mabuting tao naman pala ang target ay hindi na nila papatayin at hihingi na lang ng “refund” sa nagastos na raw na P80K. Ultimo mga opisyal mismo ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ay natawagan na ng mga ito. Bulok ang style ng mga amag at may katangahan na lang ang maniniwala.

Gayunman, hindi dapat balewalain ang malinaw na raket na ito na maaaring makaapekto sa klima ng negosyo sa Subic Freeport at karatig lugar. Lalabas na may kahinaan ang mga otoridad kung hindi nila masasakote itong mga bugok na naghahasik ng lagim, kapwa sa negosyanteng Pinoy at dayuhan.

***

ISINUSULONG sa Sangguniang Panlungsod ng Olongapo ng negosyanteng si Conrad Tiu ang pagpasa ng resolusyon para isama sa saklaw ng “tax privilege” ng Freeport ang lungsod. Isasama na ang Olongapo sa Subic Freeport na sa ngayon ay limitado sa bakuran ng dating US Naval Base at ilang bagong bahagi ng bayan ng Subic at San Antonio, kapwa sa katabing lalawigan ng Zambales.

Katwiran ni Tiu, namamatay na ang mga negosyo sa Olongapo kasi mas mababa nang 12% o higit pa ang mga paninda sa Subic Freeport dahil hindi saklaw ng VAT (Value-Added Tax)  o VAT-Free. Halimbawa ni Tiu, ang delatang SPAM ay P98 hanggang P106 sa mga tindahan sa Olongapo samantalang sa loob ng Freeport, P88 lang ito. Mabuti kung SPAM lang, eh kaso, lahat ng bilihin ay dehado sa presyo sa hindi nagbabayad ng VAT na pribilehiyo ng mga negosyong nasa loob ng Freeport.

Malaking usapin kasi ang buwis kung gagawin nang Freeport ang buong Olongapo pero puwede ito batay sa E.O. 675 na nagpapalawig sa saklaw ng Subic Freeport na tanging resolusyon lang ng lokal na sanggunian ang kailangan. Ito Ang Totoo!

The post HITMEN SA SUBIC AT OLONGAPO BILANG FREEPORT appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>