Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ABSENERO NA, MAREKLAMO PA!

$
0
0

pakurotSAAN ka pa? Mismong mga kapwa niya konsehal ang kumokondena kay 5th District Councilor Ali Atienza dahil sa madalas nitong hindi pagdalo sa session ng konseho pero madalas namang magreklamo sa mga mamamahayag kaugnay sa naipapasang resolusyon.

Kamakailan lang ay kinuwestiyon ni Atienza, hindi sa konseho kundi sa ilang mamamahayag, ang ipinasang resolusyon ng konseho na nag-aatas sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na gawaran si Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng doctorate degree.

Mismong sina Majority Floor Leader Councilor Marlon Lacson, 3rd District Councilor Joel Chua at Minority Floor leader Manuel “Letlet” Zarcal ang nagsabi na inisyatibo ng mga konsehal ang resolusyon at walang kinalaman si VM Isko.

Aba’y tama nga naman ang mga konsehal nang sabihin nila na hindi naman kasalanan ng kanilang puno sa konseho na hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan. Sa halip, dapat pa nga itong maging isang magandang halimbawa sa publiko dahil hindi naging balakid ang kahirapan upang tapusin ang kanyang pag-aaral at abutin ni Isko Moreno ang kanyang mga pangarap.

Tanong nga ng mga ito, meron daw bang konsehal na makapagsasabi na nakapag-aral sila sa Harvard at Oxford na pawang napasukan ni Moreno?

Eh, kung pumapasok ba naman daw itong kapwa nila konsehal na si Atienza sa konseho, tiyak na nakagawa ito ng manifestation of withdrawal at hindi ginagamit ang media upang siraan ang kanilang bise-alkalde.

o0o

HINDI lang sa mga mamamahayag malakas ang hatak nitong hepe ng Manila Police District Intelligence Division (MPD-DID) na si Supt. Villamor Q. Tuliao kundi maging sa nakatataas sa kanya sa tungkulin.

Maganda ang PR nitong si Tuliao dahil kahit sa alinmang sulok ng MPD at maging sa Camp Crame ay kilala siya sa kanyang katahimikan subalit malalim pagdating sa trabaho. Bukod pa sa pagiging mapagbigay.

Noong isang linggo, tumanggap si Tuliao at kanyang mga tauhan ng pagkilala mula sa pamunuan ng MPD dahil sa kanyang partisipasyon sa paghuli kay real estate magnate Delfin Lee na wanted dahil sa panloloko sa maraming nais na magkaroon ng sariling bahay.

Maging ang Manila Police District Press Corps ay hindi nagpahuli sa pagbibigay ng pagkilala sa husay mamuno at magtrabaho ni Tuliao na sa kasalukuyan ay itinuturing na “Darling of the Press.”

o0o

SUPORTADO ng Liga ng mga Barangay (LNB) National Executive Board (NEB) sa pangunguna ni National President Atty. Edmund Abesamis ang “Tuwid na Daan” ni Pangulong Benigno Aquino III sa pamamagitan ng kauna-unahang board resolution.

Naniniwala si Abesamis na mas magiging epektibo ang barangay ngayon dahil sa suporta ring ibinibigay ng pamahalaan.

Nakasaad sa resolusyon na ang paglaki sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga barangay ay nagbibigay daan upang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan o ‘basic social services’ ng mga mamamayan sa barangay.

Dapat na may kaakibat na pananagutang maging masinop at maingat sa paggugol at paggasta sa salapi ng barangay upang epektibong matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.

The post ABSENERO NA, MAREKLAMO PA! appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES