Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAKIT INIIMBITA

$
0
0

sibol52TUWING graduation na lang ay nauungkat ang isyu ng mga politiko na invited as speakers sa mga graduation rite.

Tuwing ganitong panahon na lang ay bawal ang politiko sa graduation ceremonies pero patuloy pa rin na naanyayahan. Kung bawal, bakit sila iniimbitahan at kung bawal ay bakit patuloy silang nagbibigay ng talumpati?

Politiko rin akong maituturing at maraming beses akong naimbitahan sa graduation ceremonies para magbigay ng inspirational talk.

Kadalasan ay iniimbitahan ako ng mga eskwelahan na natulungan ko sa aking paglilingkod bilang konsehal.

Kadalasan ginagawa akong guest speaker sa mga eskwelahan na malapit sa aking puso at mayroon akong magandang relasyon bilang public servant.

Kung ang bintang ng iba ay ginagamit ng politiko ang graduation rites para ibenta ang sarili, lalo na kapag malapit na ang halalan, hindi po ito sinasadya. Kadalasan ay mga kalaban sa pulitika rin ang nagbabatikos sa mga ganitong speaking engagement pero ‘pag sila naman ang nakaupo at naimbitahan, paano naman sila tatanggi?

Noong nakaupo akong konsehal, sinuportahan ko ang “anti-epal” campaign ng Commission on Elections pero hindi naman ito naipatutupad. May iba siguro na sumusunod pero napakarami ang hindi.

Ang tanong ngayon ay sa kakayahan ng COMELEC na ipatupad ang kanilang batas nang may paninindigan at tunay na ngipin.

Puwede naman kung talagang gugustuhin na huwag magsalita ang politiko sa graduation rites. Sa La Salle High School, halimbawa, ang valedictorian lang ang nagsalita sa graduation.

Pero bakit ba naiimbitahan ang politiko? Ito ay dahil sa karamihan ng mga paaralan sa bansa, ang politiko pa rin ang takbuhan sa pangangailangan sa panahon ng graduation tulad ng medalya.

Kadalasang si mayor o si vice o mga konsehal ang nagpapaayos ng stage, ang nagdo-donate ng dekorasyon at mga award ng mga honor student.

Ang pag-imbita sa kanila ay parang pasasalamat na lang. Ang suggestion ko sa Kagawaran ng Edukasyon ay muling bisitahin ang kanilang policy flow tungkol sa bagay na ito.

Linawin ang kung anoman ang bawal at kung malinaw na ay igiit ang honest-to-goodness na pagpapatupad sa nasabing policy.

The post BAKIT INIIMBITA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>