Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MASISIBAK PA KAYA?

$
0
0

pakurot1NOONG Marso, pag-upo pa lang ni Chief Supt. Rolando Asuncion bilang director ng Manila Police District, umingay na kaagad ang balitang masisibak sa puwesto ang hepe ng Meisic Police o MPD Station 11 na si Supt. Raymond Liguden.

Hindi pa malinaw sa mga taga-headquarters at maging sa Manila City Hall ang dahilan subalit sa bandang huli ay pumutok ang balita na dahil hindi raw tipong katrabaho ni Gen. Asuncion itong si Liguden. Sa madaling salita, mayroon silang hindi magandang pagkakaunawaan.

May mga duda pa nga sa MPD headquarters na si Liguden ay protektado ng isang opisyal sa city hall na malapit sa isang malapit din kay Manila Mayor Joseph Estrada.

May mga sitsit din sa MPD at Manila City Hall na itong si Liguden ang nagpaparating ng mga salita ni Gen. Asuncion sa opisyal na hinihinalang may kamay sa pag-upo nito sa puwesto na pinaglalawayan ng maraming opisyal na nakatalaga sa MPD.

Marami ang naghihinalang sisibakin na ni Gen. Asuncion sa puwesto itong si Liguden dahil base umano sa kanyang performance ay hindi umaangat ang estado nito pagdating sa pagmamantine ng kapayapaan at kaayusan sa kanyang nasasakupan.

Kaya naman naalerto itong si Liguden at gumawa ng paraan upang bumango ang pangalan niya sa dating amo niya sa Southern Police District na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang Chinese na may bitbit na maletang naglalaman ng mahigit P100 milyong halaga ng shabu.

Lunes pa lang ng hapon, ayon sa source na taga-City Hall, nagduda na siya na may operasyong ilalatag ang Meisic Police Station sapagkat namataang nagmamando ng trapiko sa kanto ng Reina Regente at Soler mismo itong si Liguden.

Naman! Anong masamang hangin ang nagtulak sa kanya? Kaya nakapaghihinala na. Gayunpaman, ibigay natin kay Liguden at sa kanyang mga tauhan ang benefit of the doubt. Ang importante, may trabaho silang nagawa. Panibagong puntos para sa kanya.

Kaya nga bulong-bulungan at usap-usapan ngayon sa MPD na tiyak na hindi na masasama sa mga sisibaking station commanders na mababa ang performance itong si Liguden.

Matindi ang hidwaan nina Asuncion at Liguden kapag nasibak pa itong station commander. Siguro naman ay may konsiderasyon itong pinuno ng MPD para naman hindi mapagbigyan itong si Liguden na patuloy ang isinasagawang follow-up operation sa drugs.

The post MASISIBAK PA KAYA? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>