Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PCSO SCAM!

$
0
0

baletodo121MALAKI ang dapat ipaliwanag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Margie Juico sa lumabas na hard copy ng resulta ng Lotto 55 noong Abril 8, 2014.

Dapat na imbestigahan ni Justice Secretary Leila de Lima o ng NBI ang alegasyon sa PCSO scam!

Nagbalita si PCSO Gen. Manager Jose Ferdinand M. Rojas II na may tumama sa Lotto 6/55 noong nagdaan na linggo. Sabi ni Rojas, napanalunan daw ng isang taga-Makati ang P249,841,572.25 bilang premyo, 25 daw ang tumama sa limang numero na may premyong P169,410.00 kada isang tiket.

Pero mukhang hindi natiis ng ilang empleyado ng PCSO ang magkakasunod na “winning millionaires” kaya nag-imprenta sila ng totoong resulta noong Abril 8.

Batay sa “hard copy”, walang nanalo noong petsa na iyon at dalawa lang ang totoong nanalo sa P169 libo! Kumakalat ngayon ito sa Facebook.

Hindi puwede na isantabi ng PCSO ang alegasyon dahil noon pa man ay marami na ang nagdududa sa bagong sistema na pinaiiral ni chairman Juico at mga director niya.

Isama riyan ang pagdoble ng presyo ng taya na dating sampung piso lang pero ngayon ay bente pesos na maliban sa Lotto 6/49 at 6/55. Ang siste, lumiit din ang tama ng 3-5 numero na tumama.

Ngayon lang nangyari ang ganitong PCSO SCAM! Wala ito noong mga nagdaang administrasyon! Bago na naman na KATIWALIAN na hindi dapat ipagwalang-bahala ng DOJ, NBI o maski ng Kongreso. Malinaw na gaguhan at pamemera lang kung sinoman ang nasa likod ng PCSO SCAM. Sindikato nga.

At kung makarating naman ito sa Malacañang, tiyak na hindi ito aaksyonan at ipaiilalim sa imbestigasyon ang mga posibleng sangkot. Mas malamang na pagtakpan na naman. Iyan ang normal nilang gawain, hindi ba?

Kailangang malaman ang puno’t dulo ng “ibinulgar” na PCSO SCAM. Kailangan na totohanin ang imbestigasyon. Kailangan na ibalik ang nasabing halaga sa kaban ng PCSO at isama sa dapat panalunan.

Hindi puwede na magsawalang-kibo na lang sina Juico at Rojas. Hindi puwede na balewalain ito ng DOJ at Kongreso.

Milyon ang Filipino na tumataya sa pag-asang guminhawa ang kanilang buhay na hatid ng Lotto. Pero kung dinudugas lang at ibinubulsa ng sindikato at mga kasangkot na opisyal-tauhan ng PCSO Lotto, dapat silang bulukin sa kulungan!

Mr. Aquino, itigil mo na ang pagtatakip sa mga makasalanan mong tauhan. Kung patuloy iyan, sinungaling ka sa iyong “Matuwid na Daan!”

The post PCSO SCAM! appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES