Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

FILMINERA PALAYASIN AT RIZAL PD SASABIT SA SUGAL

$
0
0

burdado-jun-briones282 (1)DAHIL sa tindi ng perwisyong idinudulot ng Filminera Gold mining sa mga residente ng Aroroy, Masbate, nagkaisa ang mga ito na hilingin kay mismong Pangulong Noynoy Aquino na palayasin at pagbayarin ang nasabing kompanya.

Ang sulat ng mga residente at “fishpond operators” ng Aroroy na ipinadala sa Palasyo ay kaagad na binigyang aksyon ni Presidential Staff Officer Atty. Jocelyn Nolasco para busisiin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ng DENR.

Dahil diyan, nagpapasalamat ang mga taga-Aroroy sa agarang aksyon ng Pangulo dahil kahit nga naman mismong si PNoy ang pumunta sa kanilang lugar ay makikita nito kung gaano kalaki ang pinsalang idinudulot ng demonyong minahan.

Magmula sa karagatan kung saan nito ibinubuga ang katas ng cyanide at mercury, hanggang sa kapaligiran na nagdudulot ng matinding sakit sa mga residenteng nakatira sa palibot ng minahan.

Higit sa lahat, parekoy, ang dating kulay berdeng kabundukan ng Aroroy ay nagmistulang malawak na kapatagan dahil sa “open pit mining operation” ng Filminera!

Ang masakit, habang nilalamutak ng mga hijo-de-puta ang likas na yaman ng Masbate ay sinasabayan pa ito ng mistulang pananakot na mga salita ng mayabang na “communications officer” ng Filminera na si Ret. Col. Florencio Cayco.

Aniya sa mga nagrereklamo; “subukan ninyong magdemanda para malaman ninyo na wala pang nananalo ng kaso laban sa Filminera!”

Ganu’n? Sige, Kernel, tingnan natin kung hanggang saan aabot ang kaswapangan ng inyong kompanya at ng iyong kayabangan! Pwe!

-o0o-

KUNG ang dahilan ng pagkasibak ng dating PNP Provincial Director ng Rizal ay illegal gambling, naniniwala ang mga residente sa lalawigang ito na iligal din na sugal ang magiging mitsa para mapalayas si S/Supt. Marcillano S. Villafranca.

Mula kasi nang maluklok sa puwesto si PD Villafranca ay hindi man lang ito kinakitaan ng kamay na bakal laban sa iligal na sugal sa nasabing lalawigan.

Bilang patunay, hanggang ngayon ay lantaran pa rin at talamak ang lotteng ng gambling lord na si Sola.

Ang masakit, parekoy, ipinagyayabang pa ng lintek na maging ang “bagman” ni Villafranca ay tumatanggap na rin sa kanya. King-ina!

Maging ang mga pergalan nina Delma, Toyang, Arnold pilay at Bobby na nasa Montalban, Binangonan at Ibasan ay namamayagpag na rin!

Langya, Col. Villafranca, kung hindi mo talaga sasampulan ang lintek na mga iligalistang ‘yan ay para ko nang nakikinita.

Na riyan ka sasabit . . . sa iligal na sugal sa Rizal!

Tiyak ‘yan, Kernel!

The post FILMINERA PALAYASIN AT RIZAL PD SASABIT SA SUGAL appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>