Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAO-OVERTAKE NI PNOY ANG AMPATUAN MASSACRE

$
0
0

_benny antipordaMAY dalawa pang taon si Pangulong Noynoy Aquino bilang pinuno ng mahal kong Pinas.

Pero lumalabas na baka mahigitan ng kanyang administrasyon ang Ampatuan massacre sa usaping media killings.

Nasa 33 na kasamahan natin sa propesyon ang minasaker sa Maguindanao noong panahon ni Aling Gloria.

Sa mag-aapat na taong panunungkulan ni PNoy, may 25 mediamen nang pinapatay.

RICHARD NAJID

PANG-25 na sa pinapatay na mamamahayag si kapatid na Richard Najid sa administrasyong Aquino.

Kagagaling lang sa pakikipaglaro ng basketball si Najid at pauwi na sa kanilang bahay na malapit lang sa basketball court ng ito’y pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Naganap ang pagpaslang alas-7:30 noong gabi ng Linggo, Abril 4, 2014.

Nang mapatay si Najid, nagsisilbi siyang acting manager ng DXNN PowerMix FM, isang istasyon ng radio na nakabase sa Bongao, Tawi-Tawi.

Nauna rito, naging reporter siya ng DXGO na istasyon ng Simbahang Katolika sa Sulu.

Kabilang sa mga mabilis na nag-ulat ng kalagayan ni Najid si Babylyn Kano-Omar, manager ng DXGD-AM, isa ring radio station sa Bongao.

RUBY GARCIA AT 40 DAYS

TALAGA namang nakapaninindig-balahibo ang mga pamamaslang sa mediamen.

Ang sarili nating reporter na si Ruby Garcia ay wala pang 40 araw na napapatay at andiyan na naman ang pagpatay kay Najid.

‘Yun bang === hindi pa gaanong lumalamig ang pagpaslang kay Ruby, ginulantang na ulit tayo ng isa pang pagpatay sa ating hanay.

Nakababahala na talaga ang mga pagpaslang lalo na kung isipin na kamakailan lang ay tatlong linggong sunod-sunod na may pinaslang na mediamen sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

6 KADA TAON

ANIM na mediamen kada taon ang lumalabas na napapatay sa administrasyong Aquino.

Sa apat na taong panunungkulan nito, may 25 nang napapatay.

Kapag nagtagal pa ng dalawang taon ang Aquino administration, nangangahulugan bang may maidaragdag pang 12 na patay na mediamen?

Nakupo, huwag naman po sana.

Pero batay na rin sa ginagawa ng pamahalaan, tila magpapatuloy talaga ang media killings.

Tila wala sa damdamin at isipan mismo ni PNoy ang mga pagpaslang sa mediamen nang sabihin nitong nasa 58 ang napatay sa Ampatuan massacre samantalang na sa 32-33 lang ito.

Lumilitaw namang gustong palabasin lagi ng mga pulis na hindi konektado sa kanilang trabaho ang mga papaslang sa kanila.

Palatandaan lahat ng ito, mga Bro, ng pagpapatuloy ng media killing.

MASSACRE AT MASSACRE PA

MASAKER ang tawag sa pagpaslang sa mediamen sa Maguindanao apat na taon na ang nakararaan.

Ano ang tawag naman sa 25 na pinapatay na mediamen sa loob ng apat na taon sa ilalim ng Aquino administration?

Hindi ba maituturing din itong anyo ng masaker dahil sa rami ng mga mamamahayag na pinapatay?

Maituturing na masaker ang pagpaslang sa tatlong tao at higit pa sa iisang panahon at iisang lugar.

Pero matindi ang pagpaslang sa mediamen dahil target talaga sila ng mga pagpaslang.

MAS MASAHOL SA AMPATUAN

KUNG magpapatuloy ang pamamaslang sa mga mamamahayag sa bilang na 6 kada taon, malalagpasan ng PNoy massacre ang Ampatuan massacre.

Kung 33 ang napatay sa Ampatuan, 36 naman ang kabuuang mapapatay sa anim na taong panunungkulan ng PNoy administration.

Kung magaganap ito, bababa sa tungkulin si PNoy na isa sa mga legacy o maiiwan nitong tatak ay media killings.

Bababa siyang masasabi ng mga mamamayan na naging killing field sa mediamen ang kanyang panahon at administrasyon.

At isa sa mga magiging balita na aalingawngaw ay naganap ito dahil sa kawalan ng interes ng Aquino administration na lingapin ang mediamen na nananawagan ng seryosong paglutas sa media killings at paghahatid na rin ng katarungan sa mga pamilya ng mga biktima.

Kalungkutan at hindi kasiyahan ang mararamdaman ng mga mamamahayag sa paglisan ng gobyernong ipinangalandakan ang Tuwid na Daan ngunit naging pabaya naman sa mga pamamaslang.

PROGRAMA IPAGPAPATULOY

SA nakaraang halalan sa National Press Club, malinaw na isa sa mga hindi dapat na kalimutan na tungkulin ng sinomang opisyal ng samahang ito ang paglilingkod sa mga miyembro nito, sa hirap, sakit at kamatayan.

Pero kasali na rin dito ang paggampan nila ng tungkuling tagapagtanggol sa lahat ng mga mamamahayag na nahaharap sa panganib, lalo na sa usaping paglapastangan ng iba sa ating karapatan na mabuhay at mag-exercise ng karapatan natin bilang mediamen.

Kaya sa kamatayan ni Najid, isa sa mga gagampanan ng NPC ang pagbabantay sa pag-iral ng katarungan. Tutulong ang NPC sa paghahabol sa mga killer ni Najid sa abot ng makakaya nito.

At pagtanggal sa mga balakid sa pagkamit ng katarungan.

Mula rito, hamunin natin si Senior Supt. Joselito Salido, provincial commander ng Tawi-Tawi, na tumulong sa paghahanap ng mga killer ni Najid at itikom nito ang kanyang bibig sa pagsasabing isa lamang disc jockey at hindi jounalist si Najid.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post MAO-OVERTAKE NI PNOY ANG AMPATUAN MASSACRE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>