Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANO NA ANG BALITA SA P149b KASO NG DAP SA SC?

$
0
0

_benny antipordaANO na ang balita ukol sa Disbursement Acceleration Program na binaboy umano ng kasalukuyang pamahalaan?

Halos nagsabay ang DAP at ang Priority Development Assistance Fund bilang kaso sa Supreme Court.

Pero natapos at binubutingting na ang mga sangkot sa PDAF sa Ombudsman, ang DAP naman ay hindi natin marinig kung ano na ang nangyari.

Sabi rin sa Senado, hihimay-himayin nila ang DAP simula sa April 1, 2014 pero wala rin tayong naririnig na hearing.

DAP MAS MALAKI SA PDAF

MAHIGIT sa P150 bilyon ang pondo ng DAP na pinakawalan ng pamahalaan bago nito inihinto sa takot na madamay ito sa kaso ng PDAF.

Kumpara sa P10 bilyong PDAF na iskam ni Napoles at isama na rin ang P10 pang iskam sa Department of Public Works and Highways na dagdag na anomalya sa panahon ni Aling Gloria, higit na mas malaki ang DAP.

Nakapagtataka nga lang na hindi kumikilos ang gobyerno ukol sa DAP, lalo na ang Supreme Court at ang Senado.

May humaharang ba?

At kung totoo na may humaharang dito, sino-sino ang mga humaharang?

PANSUHOL SA IMPEACH

MISMONG ang mga senador ang umaamin na nagkapera sila bago, kasalukuyan at matapos ang impeachment ni ex-Chief Justice Renato Corona.

At galing sa DAP ang isa sa mga pinagkaperahan nila bilang “insentibo” sa pagsibak kay Corona.

May mga nagtatanong naman kung nakatanggap sila ng DAP o hindi.

May mga pinararatangan naman na ang mga senador mismo ang humiling kaya sila pinagbibigyan ng DAP, bukod sa sarili nilang mga PDAF noon.

WALANG WHISTLEBLOWER

ANG inaantay yata ng Supreme Court ay ang mga whistleblower. Pati na ang Senado.

Pero paano ang pag-amin ng Palasyo na nagpamigay ito ng DAP at maging ang ilang senador na nakatanggap ng DAP bilang insentibo sa impeachment?

Bukod dito, may mahistrado na nagsabing walang anomang batayang batas o ligal na batayan ang DAP para lagyan ito ng pondong galing sa salaping-bayan.

Ang PDAF ay binihisang ligal na ligal sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng taunang batas para sa pambansang badyet.

Pero ang DAP ay naging likha lamang ng Palasyo na pinondohan ng salaping-bayan at hindi galing sa sariling bulsa ng Palasyo.

Paano ang mga taga-Palasyo at taga-Senado at ilang taga-Kamara na nagmistulang whistleblower sa DAP?

Hindi ba masasabing may malalim na kaalaman ang mga ito kaya pupuwedeng manggaling mismo sa kanila ang pagiging kuwestyonable ng DAP?

PANANAKOT SA HUKUMAN

NOONG kainitan ng PDAF, bago at kahit makalipas ideklara ito na iligal at labag sa Konstitusyon, binugbog ang Supreme Court ng katakot-takot na pananakot mula sa mga mambabatas.

Gusto ng mga ito na busisiin ang Judiciary Fund sabay sabing ito ang sariling pork barrel ng mga mahistrado.

Eh, kapag pork barrel ang pag-uusapan, naririyan ang pagnanakaw sa salaping-bayan.

Ito ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay walang naririnig ang taumbayan na pagkilos ng mga mahistrado tungo sa pagdedesisyon ukol sa DAP?

MANINDIGAN ANG HUKUMAN

KUNG walang itinatago ang mga mahistrado na kabulukan gaya ng gustong palabasin ng mga mambabatas na nasaktan sa pagkakatay ng kanilang PDAF at maaaring masaktan pa rin sa negatibong desisyon sa DAP, dapat nang maglabas sila ng desisyon.

Inaantay ng taumbayan ang desisyon ukol sa DAP at syempre pa, hindi pabor sa DAP ang kanilang inaasahan na desisyon.

Hindi natin pinangungunahan ang Hukuman pero sa paggamit lang sa DAP bilang suhol o insentibo sa pagpapatalsik kay Corona ay isang napakasamang usapin.

Katumbas ito ng sinasabi ng mga nagmamalinis sa PDAF na ang pangunahing punto sa PDAF at DAP ay kung saan ginamit o kung ibinulsa ang mga ito o hindi.

Ang paggamit ng DAP bilang suhol o insentibo sa mga kongresman bilang mga piskal at senador bilang Hukom sa Impeachment Court ay paglapastangan sa mismong Impeachment Court na dapat sana ay nagdesisyon ayon sa katotohanan at katarungan.

Pero higit na nilapastangan ang katotohanan at katarungan dito.

Higit ding nilapastangan ang mismong pamahalaan na nagdadala ng interes ng sambayanan para sa katotohanan at katarungan higit sa lahat.

Kasama na riyan ang paggastos ng salaping-bayan para sa sambayanan at hindi sa mga korap at mandarambong.

PROGRAMA IPAGPATULOY

KUNG mananatiling tahimik ang Supreme Court ukol sa DAP, hindi maiiwasan na pagdududahan na rin ito ng mga mamamayan.

At magagaya ang Hukuman sa Department of Justice at Malakanyang na pinagdududahan na sa hindi paglalabas ng listahan ni Napoles ukol sa maraming senador na sangkot sa P10B iskam ng huli.

Kung hindi kikilos ang SC, magkakamantsa ito ng kalawang at kung kinapitan na ito ng kalawang, ano pa ang silbi nito para matawag na ito ang sandigan ng mga mamamayan bilang kalasag sa makapangyarihang pang-aabuso at pagsasamantala ng mga nasa poder sa mga mamamayan?

O kayo riyan sa Supreme Court, mag-isip-isip na kayo habang mayroon pang time para sa pagtutuwid ng lahat ng mga liko-likong gawa sa pamahalaan.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post ANO NA ANG BALITA SA P149b KASO NG DAP SA SC? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>