DAHIL taklesa si DoJ Sec. Leila de Lima kaya nagkandahetot-hetot ngayon hindi lang ang kredibilidad ng Senado at Kamara, kundi maging ang buong imahen ng gobyerno! Nagsimula ang sarzuelang ito nang ibinalita ni De Lima na hawak na niya ang “Napolist” o listahan ng mga “kasabwat” ni Napoles sa kanilang pangungulimbat sa gobyerno.
Panay ngakngak si De Lima hinggil sa listahan pero hindi naman mailabas ang hijo de-putang Napolist.
Kaya nagduda ang taumbayan na maaaring dinuktor ito para alisin “delist” ang ilang pangalan na malalapit kay PNoy.
Ito ngayon ang tinaguriang Delist (listahan ni De Lima).
Eh, bigla namang umepal, este, umere si Ping Lacson na ayon kay Sen. Santiago ay “attack dog” ni Sen. Enrile.
Kaya pinaghihinalaan naman na dinagdagan (enlist) na ito ng mga pangalan at tinatawag na Enlist (listahan ni Enrile) para lalong guluhin ang sitwasyon!
King-ina, ang gugulo ninyong mga letse kayo!
Bakit kasi pinapatulan ‘yang Napolist na naging Delist at sinabayan naman ng Enlist!
Bakit hindi na lang ipalutang sa Inquirer ang kompletong listahan ng original “whistleblower” na si Benhur Luy, tapos ipatawag mismo si Napoles para kumpirmahin ang mga ito.
At kung may gusto siyang idagdag ay siya mismo ang magkumpisal sa harap ng publiko!
Para matigil na ang gulo d’yan sa list, list na ‘yan! Punyemas!
-o0o-
PATULOY na binabatikos ng mga residente ang kawalang aksyon ng bagong upo na Provincial Director na si S/Supt. Bernabe Balba sa lantarang iligal na sugal sa Rizal.
Patuloy kasi, parekoy, ang pangungunsinte ni PD sa iligal na sugal ng gambling lord na si Bong Sola.
Dagdag pa rito ay namumulaklak din ang mga pergalan nina Delma, Toyang, Arnold pilay at Bobby na nasa Montalban, Binangonan at Ibasan. Lalo na ang pergalan nina Arnold sa Gate 2, Cogeo at Pagrai, Antipolo (palengke.)
Sa kaganapan, masasabi nating hindi lang si Col. Balba ang nakikinabang sa bwakang-inang sugal na ‘yan sa lalawigan ng Rizal. Dahil kahina-hinala rin ang pana nahimik ng CIDG!
Kadalasan, parekoy, kapag tanga, tulog o busog ang PD ay rumaratrat ang CIDG para matigil ang iligal na sugal.
O makakurot din mula sa sugal! Ehek! Pero sa sitwasyon ngayon ng sugal ni Bong Sola ay mukhang nagkukurutan na ang mga lintek kaya puro tahimik! Hmp!
Hmmm, bakit nga ba hindi ito masampulan ni RD Jesus Gatchalian o ng mismong Chief PNP?
O kaya ni DILG Sec. Mar Roxas! Abangan!
The post NAPOLIST, DELIST, ENLIST; PADER NA SUGAL SA RIZAL appeared first on Remate.
