Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MALAPITAN SANGKOT SA NAPOLIST

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBSA paglabas ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson ng kanyang listahan na nanggaling umano kay Janet Lim-Napoles ay maraming politiko ang nadawit ang pangalan, kabilang na rito si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan.

Hindi na ito ikinagulat ng mga taga-Caloocan dahil tatlong terminong nagsilbi si Malapitan bilang kinatawan ng unang distrito ng lungsod na nagsimula noong 2004 hanggang 2013 bago ito naging alkalde.

Ang ikinaiinis lang ng mga taga-Caloocan, lalong-lalo na ang mga residente ng unang distrito, ay malaki ang posibilidad na sa halip na proyekto sa kanilang lugar napunta ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Malapitan ay posibleng sa iilang bulsa lamang ito napadpad.

Bagama’t isa lamang si Malapitan sa mga lumabas na pangalan, nanghihinayang pa rin ang mga taga-unang distrito ng lungsod, dahil kung inilaan ito ni Oca sa mga proyekto ay malamang na maraming residente ang nakinabang sa perang ito.

Kung tutuusin, maraming mga taga-unang distrito ang umaasa noon sa PDAF ni Malapitan ngunit dahil sa umano’y pagkakasangkot ng dating kongresista at ngayon ay mayor ng lungsod ay parang lumilinaw na sa kanila kung anong klaseng tao ang kanilang iniluklok sa pwesto.

Nakapanghihinayang din ang perang naitapon lang sa mga pekeng NGO lalo na’t sa kaban ng bayan ito nanggaling kaya dapat lang na maparusahan ang mga taong may kinalaman sa pagwaldas sa perang ito ng taumbayan.

Kung inyong matatandaan, minsan na ring nadawit si Malapitan sa paggamit ng kanyang PDAF noong 2013 nang ito ay tumakbong alkalde ng Caloocan kung saan ay inatasan pa ito ng korte na ihinto ang paggamit ng kanyang pork barrel sa kanyang pangangampanya.

Nadawit din ang pangalan ni Oca sa umano’y anomalya sa Kalookan Council Assistance Incorporated (KACI) na sinasabing pinaglagakan nito ng kanyang pork barrel at ng iba pang mambabatas. Ang KACI ang pang-11 sa mga NGO na may pinakamaraming nakuhang pondo mula sa PDAF ng mga mambabatas na nasasangkot din ang mga pangalan sa inilabas ni Lacson na “Napolist”.

Nararapat din sigurong busisiin ang KACI upang matukoy kung sino-sinong mambabatas ang nagbigay ng kanilang pondo sa PDAF nang sa gayon ay maparusahan ang mga ito dahil sa pagwawaldas o pagnanakaw ng salaping-bayan.

Dapat din sigurong imbestigahan ng National Bureau of Investigation at Department of Justice ang mga ari-arian ni Malapitan dahil posibleng sa “kickback” nagmula ang ilan sa mga ito.

Hindi lamang ang “Napolist” ang dapat na tinututukan ng ating gobyerno dahil marami pang NGO ang nakinabang sa pera ng taumbayan na nauwi lamang sa ilang politiko na walang ginawa sa pwesto kundi ang magparami ng kanilang kayamanan.

The post MALAPITAN SANGKOT SA NAPOLIST appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>