MAHIGIT 1,000 ang nakilahok sa Neon Run ng SM Clark, Pampanga upang makalikom ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Isa sa mga nangunang sumuporta dito ay ang Clark Water, ang sangay ng Manila Water na namamahala serbisyong patubig at gamit na tubig sa Clark Freeport at Clark Special Economic Zones.
Binagtas ng mga sumali ang limang kilometrong rutang linatagan ng mga glow zone nanagsasaboy ng iba’t ibang kulay ng pintura sa mga dumaraan.
-oOo-
LUMAGDA ANG MAYNILAD NG KONTRATA PARA SA KARAGDAGANG SUPPLY NG TUBIG
KAMAKAILAN lamang, nilagdaan ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad), ang Sumag River Diversion Project contract. Ito ay sa harap ng mga kinatawan mula sa Manila Water Company, Inc. (Manila Water), gayundin ang Cavite Ideal International Construction and Development Corporation.
Ang Maynilad at Manila Water ay makikihati sa halaga ng mga gastusin sa proyekto, na inaasahang aabot sa halagang 717 milyong piso.
Ang proyektong Sumag ay may kinalaman sa pagpapagawa ng isang 600 meter tunnel (2.5 meter diameter) mula sa Sumag River sa General Nakar, Quezon Province hanggang Umiray-Angat Transbasin Tunnel sa Angat, Bulacan.
Kapag natapos ang naturang tunnel, ito ay makapagbibigay ng sapat na lakas ng tubig patungo sa Angat Dam na may kapasidad na 188 milyong litro ng tubig bawat araw o liters per day (MLD). Ang karagdagang supply ng tubig na ito ay makatutulong sa pangangailangan ng papataas na dami ng mga residente sa buong kamaynilaan at sa mga karatig na lugar.
Ang mga dumalo ay sina Manila Water President Gerardo Ablaza, Cavite Ideal International Construction and Development CEO Lamberto Lee, Jr., Maynilad President Victorico Vargas, Water Supply Operations Head Ronald Padua, Program Management Head Yolanda Lucas at Chief Finance Officer Randolph Estrellado.
The post CLARK WATER NAKILAHOK SA NEON RUN PARA SA MGA BIKTIMA NG YOLANDA appeared first on Remate.
