NOONG una pa man ay wala na tayong kaelibs-elibs sa bwakang-inang “tuwid kuno na daan.”
Dahil bawat politiko ay kanya-kanyang pautot kung paano lolokohin ang taumbayan para sila’y mailuklok. Na karamihan ang pakay lang mangulimbat!
Pero sa totoo lang, hanga tayo sa kapal ng pagmumukha ng mga tagapagtaguyod nitong slogan na “Tuwid na Daan.”
Dahil kahit nagkandahetot-hetot na ay patuloy pa ring niloloko tayong mga dugyot na may patutunguhan pa rin ang bayan!
King-ina! Nagkandatigbak na ang ating mga kababayan noon dahil kay Yolanda pero mas inuna pa rin nina PNoy at Mar ang pamomolitika. Keysa pag-ayuda sa mga biktima! Pwe! ‘Yan ang Tuwid na Daan?
Noong hindi nila “kasangga” ang mga pinagdiskitahan ay walang ka-ebi-ebidensya at pilit pinalayas sa puwesto.
Pero ngayong sina Sec. Proceso Alcala, Sec. Butch Abad at TESDA Dir. Joel Villanueva ang nakasama sa mga ikinanta ni Napoles, biglang umiba ang ihip ng hangin.
Na kesyo ay kailangan munang magpresinta ng mga ebidensya bago sibakin ang “mga animal sa tuwid na daan!”
Bakit, takot ba si PNoy na kapag sinibak ang mga letse ay baka ikanta rin siya?
Tingnan din ninyo itong si Sen. President Franklin Drilon na pangunahing tagapagtaguyod ng tuwid na daan. Sa sandamakmak na “Blue Ribbon Committee hearing” sa Senado simula noon ay hinahayaan nilang personal na makompronta ng mga senador ang bawat “resource person.”
Pero ngayong dawit ang kanyang pangalan ay hindi siya pumayag na maganap ito! Bakit, takot din ba si Sen. Drilon na harap-harapan siyang ituro ni Napoles? Grabe talaga itong Tuwid na Daan! Letse!
-o0o-
NANINIWALA na tayo ngayon na may katotohanan nga ang ikinanta ng ating tawiwit na mismong matataas na opisyal ng NCRPO ang may basbas sa paglipana ng iligal na sugal sa Kamaynilaan. Kung hindi, bakit patuloy ang pananahimik ni Dir. Carmelo Espina Valmoria sa pangongolekta ng kanyang mga tauhan?
Sina Jojo Cruz sa NPD, Noel de Castro (MPD), Falwart (QCPD), Ed Matti (EPD) at Miguel Irinco (SPD) ay patuloy na nangongolektong sa mga iligalista para sa proteksyon ng mga hinayupak! At si Col. Jimmy Macaraig ang itinuturong may control ng “lingguhang parating” na umiistap naman kay Gen. Allan Bantulo!
Sa kabila ng mga pagbubulgar ay ni hindi man lang umano ipinatatawag ni Gen. Valmoria para komprontahin ang nasabing mga opisyal at collectors.
Entonses, hindi ito lingid sa kanyang kaalaman! ‘Di ba PNP Chief Alan Purisima, Sir?
The post ANIMAL SA TUWID NA DAAN; NCRPO SWAK NGA SA SUGAL appeared first on Remate.