INIUTOS kamakailan ni PNOY ang planong pagrehabilita ng 23-kilometro Epifanio De Los Santos Avenue o EDSA. Ito ay dahil kailangan muna nilang tiyakin at pag-aralan pa, kasama na dito ang DPWH at MMDA, ang pinakamagandang traffic alternative routes dahil ayon nga sa plano ng DPWH ay mayroong matitirang isang lane na lang para sa motorista. Wow. Ibig sabihin ay sama-sama na tayong lahat doon sa isang lane na iyon? Motorsiklo, truck, kotse, bus, etc.
Pero tama namang isuspinde muna yan para mapag-aralan pa ng husto. Pero ang sinasabing 3.7 bilyong piso na halaga ng proyekto na ito ay medyo nakakalulua kung iisipin. Dahil gagamitan daw ang EDSA ng HIGH-GRADE PERFORMANCE ASPHALT na inaasahan nilang tumagal ng sampung taon. Opo, sampung taon nga po. Sana nga ay totoo ito Sec. Singson. Kung sa bagay ay hindi pa naman kayo nadudungisan kaya ako’y patuloy pa na nagtitiwala sa inyo.
Ang isang tanong ko lang, e paanong tatagal yan ng sampung taon kung ayon sa EO 156 na nagbabawal ng importasyson ng mga used vehicle, exempted ang mga trak. Bawal na magpasok ng kahit na anong gamit na sasakyan pwera lang ang mga used heavy duty trucks. E sa mga nakikita ko na mga imported used trucks karamihan ay hindi na road-worthy. Sila ang sumisira sa ating mga kalsada sa madaling sabi bukod pa sa mga korap at tiwaling mga opisyal na mahilig sa sub-standard para maging American Standard ang mga inidoro nila sa bahay nila.
*****
Puwede pa kayong humabol bukas sa 7th Annual Inside Racing Bike Festival & Trade Show kung saan puede kayong manalo ng motorsiklo. P75 lang ang ticket. Punta na sa SMX Convention Center sa Pasay City.
*****
Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 55 at G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!