Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NAVY MAY SUKATAN NG LAYUNIN

$
0
0

BAWAT indibidwal at organisasyon ay may sukatan ng kalinangan, kakayahan o maging sa pagsasakatuparan ng mga mandato.

Kung sa mga paaralan ay ginawa ito sa pamamagitan ng pasusulit, sa Philippine Navy naman, ito ay nakasaad sa “Four Way Navy Test”. Ito ay bilang tugon sa pagpapayabong ng kapasidad, kapabilidad at kredibilidad ng organisasyon upang maging isang malakas at masasandalang Navy ng ating bansa.

Ang unang tanong ay: Ito ba’y makapag-aambag sa misyon ng yunit? (Will it contribute to the accomplishment of the unit’s mission?). Dito masasabi na ang bawat ginagawa ng mga mandaragat at mandirigma ay naaayon sa misyon at bisyon ng bawat unit. Pangalawa, ito ba’y  makatutulong upang maisulong ang kahusayan at pagiging epektibo sa pagganap ng trabaho? (Will it promote efficiency and effectiveness in the performance of the job?). Nakapaloob sa tanong na ito ang mga sistematikong pamamaraan sa paghubog ng kaalaman ng bawat indibidwal ng organisasyon nang sa gayon ay maging propesyunal at maganyak ang bawat isa. Dito natin masasabi na kinakailangan ng mga pagsasanay upang higit na mapahusay at mapabuti ang pagganap ng Navy sa tungkulin nito. Sa pangatlong katanungan naman, masasabing ang pangunahing tungkulin ng Navy ay mapaglikuran ang bawat mamamayan. Ito ba’y nagsusulong ng interes ng sambayanang Filipino? (Will it promote the interest of the Filipino people?). Sa tanong na ito ay kinakailangan ng organisasyon ang pakikipagtulungan at suporta ng sambayanang Filipino. At ang huling katanungan, napaninindigan ba nito ang tiwala ng publiko? (Will it uphold Public trust?). Kinakailangan ang buong tiwala ng mamamayan sa ating Hukbong Dagat upang magkaroon ng mapayapang pamayanan at makamit natin ang pambansang kaunlaran.

Ang mga katanungan sa 4 Way Navy Test ang basehan ng Navy upang magampanan nito nang maayos ang tungkuling maglingkod sa bayan at mamamayan. Ito ang patunay na ang Philippine Navy ay may tapat sa layuning kaisa ng sambayanang Filipino sa bayanihan tungo sa kaunlaran.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>