Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ALCALA PWEDENG PAGTIYAGAAN

$
0
0

burdado-jun-briones2KUMPARA sa mga nakaupong senador at kongresman, kung susukatin si Department of Agriculture Proceso Alcala ay isa lamang sisiw.

Pero dahil miyembro siya ng gabinete at isa sa mga kapit-tuko sa puwesto, parekoy, pupwede na rin siyang pagtiyagaan ng mga may gustong makakita ng mga tsuwariwap ni mahal na Pangulong Noynoy na nasasampahan ng kaso.

Heto nga at may pangalawa nang kasong plunder si Alcala. Hak, hak, hak!

Inasunto si Alcala sa Ombudsman sa pagkakasangkot umano nito sa ilang non-government organization ni Janet Lim-Napoles at pagpapayaman na rin sa puwesto.

Noong kongresman pa lamang siya ng Quezon, nagpalabas umano ito ng halagang P36.025 milyon mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund patungo sa Economic Social Cooperation for Local Development Foundation o ECOSOC.

Nang maging kalihim naman siya ng DA, nagpalabas din ito ng P39M para sa ilang NGO, kabilang na ang ilang NGO ni Napoles.

Ayon sa mga kabataan at propesyonal na nagsampa ng kaso sa ilalim ng samahang Youth Act Now, mismong ang Commission on Audit ang kumuwestyon sa mga aktibidad na ito ni Alcala at dito na rin hinugot ng YAN ang basehan nito sa pagsasampa ng kasong pandarambong.

Nauna rito, parekoy, sinampahan na rin si Alcala ng P1 bilyong kasong plunder sa pagkakasangkot nito sa overpricing ng bigas mula sa Vietnam. King-inaaaa!

Heto na ngayon ang gusto nating marinig, parekoy.

Diyan sa Senado, may tsuwariwap si PNoy na mas maingay pa sa palaka sa pagsasabing dapat nang suspendihin ang tatlong itlog sa Senado na nahaharap na sa katulad na mga kaso.

Hinahamon natin ang senador na ‘yan na gusto pang maging Pangulo raw ng bansa sa 2016.

‘Di ba may kaso rin si Senate President Franklin Drilon sa Ombudsman na isinampa ni Congressman Buboy Syjuco?

Mr. Senator alyas palaka, dito mo ngayon gawin ang iyong panawagan na ang mga nasasampahan ng mga kasong plunder o graft ay dapat na suspendihin o lumiban sa kanilang mga puwesto.

Kung hindi mo gagawin ‘yan, tsuwariwap ka nga lang at pansariling interes lang ang inyong iniintindi! Puwe!

The post ALCALA PWEDENG PAGTIYAGAAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>