Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DRILON GUSTONG MAG-VP

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBNAKIKIRAMDAM daw sa ngayon si Senate President Franklin Drilon kung pwede siyang lumahok sa karera ng pangalawang pangulo ng bansa sa 2016 election.

Ito ang nilalakarang daan ngayon ni Drilon na, ayon sa mga political analyst sa bansa, isang matinding pagtalon sa karerang pulitikal ng mambabatas mula sa Iloilo dahil hindi naman ganoon kabango ang Pangulo ng Senado sa taumbayan.

Maging ang kanyang mga iniakdang batas ay wala namang impact sa tao kaya’t kung inyong papansinin ay hindi ito gaanong popular sa masang mamboboto at katibayan na nga nito ang hindi nito pagpasok sa top 3 slots sa lahat ng senatorial elections na nilahukan nito.

Sa ngayon daw ay ikot marino raw ang ginagawa ni Drilon sa bansa dahil parte na ito ng kanyang kampanya at pagkapa sa pulso ng mga mamamayan.

Maging ang Liberal Party officials ay tinimbrehan na rin daw na pulsuhan ang taumbayan dahil ayaw raw ng grupo ni Roxas na kumuha ng outsider para gawing ka-tandem ng asawa ni Korina.

Katunayan ay nito lamang nakalipas na convention ng barangayan ng Bulacan sa Davao City ay nagpahiwatig na raw ng pagpapapogi sa mga kapitan itong si Sen. Drilon na lubhang ikinahalata naman ng mga Bulakenyo.

Kakaibang mensahe ang binitawan ni Drilon sa barangay officials dahil para raw kampanya na sa 2016 ang mga ipinahayag nito.

‘Yan ang latest ngayon sa LP at iyan ang dapat tandaan ng mamamayan dahil panahon na ngayon ng pagpapapogi at lokohan.

o0o

Para hindi nahuhusgahan ng mamamayan si PNoy na may tinititigan sa usapin ng PDAF ay panahon na rin siguro para maghoyo ito ng isa niyang kapanalig sa partidong Liberal.

Ito ang dapat gawin ni PNoy dahil ito lamang ang paraan para maalis ang agam-agam ng taumbayan na ang kanyang panunungkulan ay may kinikilingan.

Isang mataas na opisyal ng kanyang administrasyon ang kanyang dapat isampol at ito ang inaabangan ng taumbayan.

Selective at panggigipit ang binibitiwang pahayag ng tatlong senador na idinemanda ng plunder kaya dito dapat niyang patunayan sa publiko ang kanyang tuwid na daan ng panunungkulan.

Mabigat ang hamon ngayon ng publiko kay PNoy kaya’t dapat niyang patunayan na ang kanyang administrasyon ay walang pinag-iba sa ibang nanungkulan sa Palasyo.

Isang miyembro ng Gabinete ang dapat isunod ni PNoy kina Senador Bong Revilla, Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada at iyan ang inaantay ng publiko.

The post DRILON GUSTONG MAG-VP appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>