Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DOKTOR NA GUMAMOT SA BATANG NAGULAY, PARUSAHAN

$
0
0

NAPAKASAKIT ng nangyari sa kaisa-isang anak na lalaki ng mag-asawang negosyante nang dahil sa medical malpractice ng (tang..inang..) mga doktor na tumingin sa bata.

Dating malusog at masayahin ang bata…ngayon ay para nang isang gulay!

Kung sinomang mga doktor ang tumingin dito, ngayon pa lang ay tinitiyak ko na sa inyo na kakarmahin din ang mga ‘yan!!!

Eto ang kwento ng mag-asawa noong Nov. 22, 2013. Dahil daw sa pabalik-balik ang lagnat ng kanilang anak ay dinala nila ito sa Meycauayan Doctors Hospital sa Meycauayan, Bulacan.

Sa taas ng lagnat, sinabi ng doktor doon na si Dra.Trigida Alveza na i-confine ang bata at pumayag naman ang mag-asawa.

Pero ang masakit, nang ma-confine ang bata, buong maghapon ay walang dumating ni isang ‘gagong’ doktor! Nakarating na lang si Dra. Alveza ng alas-9:00 ng gabi at sinabi sa mag-asawa kung ano ang naging sakit ng kanilang anak.

Sinabi ni Dra.Alveza sa mag-asawa na kailangan daw na maturukan ng gamot ang bata para maagapan ang sakit na KAWASAKI. Kahit napakamahal ng gamot ay pinaturukan nila ang kanilang anak sa nasabing doktor.

Pero ang siste, sa pangalawang pag-injection ng vial ay nagsisigaw ang bata dahil sa hindi siya makakita.

Kaya natatarantang ipinatawag ni Dra. Alveza ang isang Dr. Patrick Santiago na opthalmologist at ipina-inhale at exhale niya ang bata sa brown na supot at nagbalik naman ang paningin nito.

Ang pinakamasakit nito, halos daang libo ang nagastos ng mag-asawa pero hanggang ngayon ay nananatili pa ring gulay at hindi pa rin gumagaling ang dating malusog at masayahing bata!!!

Anong klaseng panggagamot ang ginawa ng mga doktor ng Meycauayan Doctors Hospital?

MAY IPINAGMAMALAKI KAYA MAYABANG

Bilib ako rito sa peryanteng si Arnold Pilay ng Cogeo Market kaya pala ubod ng tapang ang tarantadong ito ay nasa likod pala niya itong dating pulis na si James Baroga na ngayon ay tong-collector ng mga pasugalan sa lalawigan ng Rizal.

Kaya pala, e! Tingnan natin.

o0o
Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/Johnny Magalona


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>