Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KRISIS SA KURYENTE TINULUGAN NA!

$
0
0

MUKHANG wala pa ring aksyon ang gobyernong Aquino sa kahaharaping kakulangan ng suplay sa kuryente ng bansa sa taong 2015.

Magmula kasi noong napag-usapan at ipahayag ni Energy Sec. Jericho Petilla na kakapusin ang suplay ng kuryente sa bansa sa 2015 ay wala na tayong narinig kahit na konting development sa usapin.

Hindi biro ang kahaharaping kakulangan ng suplay sa kuryente ng bansa dahil ekonomiya at kabuhayan ng bawat isang Filipino ang nakataya rito.

Kapag bumagsak ang ekonomiya ng estado ay karugtong na nito ang gutom ng sambayanan at iyan ang lubhang nakababahala dahil posibleng magkaroon pa ng mas matinding kaguluhan bunga ng naturang krisis.

Malaki ang posibilidad na magkaroon ng anarkiya sa lansangan dahil kapag dumating na sa walang makain ang tao ay tiyak na itong kakapit sa patalim na ayaw nating lahat na mangyari.

Aksyon at solusyon ang kailangan ng madla sa krisis na ito dahil ang Luzon ay hindi katulad ng Mindanao na pwede nilang ipagsawalang-bahala dahil sangkatutak ang taong maaapektuhan ng krisis sa kuryente na kasama na sa basic nating pangangailangan.

Gahol na tayo sa panahon para sa kongkretong plano at solusyon dahil ilang buwan na lang ba ang nalalabi ay sasapit na ang 2015.

Alam nating lahat na ngayon pa lang ay may krisis na tayo sa kuryente kaya nananawagan tayo sa gobyernong Aquino na gawing prioridad ito.

o0o
Hindi na biro ang dinaranas na baha sa Obando, Bulacan at iba pang panig ng Valenzuela City.

Araw-araw na kasi ang pagdurusang inaabot ng tagarito dahil sa perwisyong dulot ng high tide.

Ang kamalasan ng nasabing mga lugar ay buhat pala sa pondong DAP ang proyektong VOM o Valenzuela-Obando-Meycauayan flood control project kaya natigil ang konstraksyon nito.

Dagliang solusyon ang kailangan ng mga mamamayan dito kaya nanawagan tayo kay Pangulong Noynoy na gawing prioridad ang VOM dahil bagsak na ang kabuhayan sa naturang mga lugar. ALINGAWNGAW/Alvin Feliciano


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>