Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ATIMONAN MASSACRE PINAG-AARALANG MABUTI

$
0
0

burdado- jun brionesMATAPOS bumandera sa buong bansa ang malagim na pagpatay ng mga pulis sa 13 katao na tinaguriang “Atimonan massacre” noong Enero 6, kaagad nag-utos si PNoy ng malaliman at madaliang imbestigasyon.

Kaagad sinibak si Region 4-A Dir. C/Supt. James Melad at masusing siniyasat ang mga sangkot na pulis sa pangunguna ng kilabot na si Supt. Hanzel Marantan.

Sari-saring hinagap ang lumutang na maaaring dahilan sa walang habas na pamamaslang sa grupo ng gambling lord na si Vic Siman. Isa na ang sugal, ginto, pera o personal na alitan ang inaabangan ng taumbayan na ilulutang ng NBI na dahilan.

Nakatunganga, parekoy, ang sambayanan, lahat ay interesadong masundan ang kaso.

Kaya naman pinamadali noon ni PNoy sa NBI ang pagsumite ng kabuuang ulat.

Sa wakas, noong Pebrero 7 ay inihatid ni DOJ Sec. Leila de Lima  kay Pangulong Noynoy Aquino ang kompletong ulat ng NBI.

Sa awa ni Herodes, hanggang  ngayon ay walang balita mula sa Palasyo tungkol dito!
Kesyo, pinag-aaralan pa ni PNoy ang report.

Anong pag-aaral naman kaya ang ginagawa ng Palasyo?

‘Di ba maliwanag, parekoy, na ang isinumiteng ulat ng NBI ay komprehensibo at makatotohanan mula sa isang malalim at malawak na pagsisiyasat?

Ano pa ba ang dapat pag-aralan? Kung paano lulutuin?

Kung sino ang aalisin sa mga suspek? Kung sino lang ang gustong idiin sa kaso?

Kung ano lang ang dapat ipaalam sa sambayanan na ugat?

Habang pinatatagal ng Palasyo ang paglalahad kung ano ang kumpletong nilalaman sa ulat ng NBI ay hindi maiiwasang magduda ang madlang pipol na may magaganap na madyik!

Sariwa pa, parekoy, sa isipan ng madla ang naganap na Luneta hostage drama, kung saan matapos itong imbestigahan, pag-aralan at isumite sa Palasyo ay biglang may naganap na pagbabago sa kaso.

May mga inalis na dapat kasuhan, may mga pinagaan na kaso at ang pinakamasakit, wala ng balita ngayon ukol dito!

Ito rin kaya ang mangyayari sa Atimonan massacre?

Katunayan, kaugnay ito ng pagpatay kay Mang Pandoy sa Batangas ilang araw matapos ang Atimonan case.

Kaya nga rito na sinibak sina Gen. Melad at Batangas COP na si Col. Rosauro Acio.

Pero ilang araw lang ay mu-ling ibinalik sa puwesto si Col. Acio. Senyales na ba kung paano lulutuin ang kasong ito?

‘Yan ang daang matuwid!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>