NILINAW ng Marina na ang dry docking ng mga tanker ay nangyayari tuwing 3 taon at kung kinakailangan ang mga nakalistang tankers sa kanilang responsibilidad na lugar ay hindi nag dry-dock ng sabay-sabay.
Sinabi pa ng MARINA na ang malalaking tankers ay hindi kayang mai-dock sa Maynila kaya ito ay nangangailangan ng serbisyo ng ibang pantalan upang doon sila makapag-dock tulad sa Cebu, Bataan, Batangas at Subic.
Iminungkahi rin ng MARINA ang paghahati-hati sa mga barko base sa kanilang pagkakaroon ng safety management systems scope of work. Binigyan ng karapatan ang Philippine Coastal Guard (PCG) na magpatupad ng mga regulasyon ukol sa marine pollution.
Hiniling ni Manila Bay Co-ordinating Office (MBCO) Exe-cutive Director Noel Gaerlan ang translation of the percen-tage ng inventory ng mga barko sa mapagkakatiwalaang bilang.
Ang Marina ang siyang ahensya na may kinalaman sa pagmo-monitor sa mga domestic na barko. Subalit ang lahat ng inspeksyon tungkol sa Maritime Pollution Law ay ibinibigay rin nito.
Ipinaalala naman ni Deputy Director Araceli Oredina sa Liquid Waste Cluster na kanilang isaaayos ang mga kinalabasan ng outputs sa pamamagitan ng pagsasama sa adaptive strategic actions, veering away mula sa mga tradisyunal na monitoring pagkilala at ang proseso ng imbentorya.
Inulit niya na ang kinalabasan ng outputs ay mga proseso lamang ng aktibidad at ito ay hindi magagamit sa pagtataya at pagsukat sa kalalabasang antas. Inulit din ni Manila Bay Coordinating Office (MBCO) Executive Director Noel Antonio Gaerlan na kailangan ang baseline data upang mataya ang pag-unlad ng Liquid Waste Cluster.
