Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ISUMBONG KAY PURISIMA

$
0
0

MATAGAL nang problema ang lumalalang krimen sa bansa sa kabila ng mga bagong anti-crime program na ipinakikilala ng kapulisan.

Kaya lamang, hindi lubusang nagiging epektibo ang mga programang ito dahil marahil kulang sa inisyatibo ang pagpapairal nito.

Ang anti-crime programs ng PNP ay walang ipinagkaiba sa pamamaraan ng mga pulis sa mga bansang kung ituring ay ‘kukonti ang krimen’.

Dahil ang awtoridad sa mga bansang ito ay totoo sa kanilang tungkulin kaya sila’y tagumpay sa pakikipaglaban sa mga kriminal.

Kumbaga, kabaliktaran ang pag-uugali ng mga pulis sa Pinas at mga counterpart sa mga bansang tagumpay ang pambansang kapulisan.

Isang halimbawa kung bakit ‘di nagtatagumpay ang PNP sa kanilang tungkulin ay dahil sa kakulangan ng interes na gawin ang trabaho.

Napakabilis kung mag-isyu ng mga bagong anti-crime strategy ang mga opisyal sa Camp Crame pababa sa mga rehiyon at district.

Pero kung ‘di naman ipinatutupad na taos sa puso ng mga regional at district level, aba’y wala talagang magaganap sa PNP.

‘Di man aminin ng mga chief of police, district at regional commander, pero ‘yan ang naghuhumiyaw na katotohanan.

Dahil imbes kasi na ipatupad ang mga pamamaraan na ibinaba sa kanila ng Camp Crame, ang inaatupag ay ang pagkakitaan. Isang halimbawa ang panghuhuli ng pushers at druglords na matapos madakip ay ‘di kinakasuhan sa ngalan ng ‘milyong dahilan.

Tanungin mo ang mga commander at siguradong walang aamin, pero sabi ko nga, ‘yan ang katotohanan dahil ‘yan ay kalakaran sa PNP.

Ang droga ay isa lamang sa maraming pinagkakakitaan ng kapulisan kaya nagkakandahetot-hetot at bagsak ang imahe ng PNP.

Ang katotohanan, maraming nais ipairal na anti-crime strategy si Dir. Gen. Alan Purisima pero ‘di sinusunod ng kanyang commanders.

Para ma-counter ang maling gawain ng mga hepe na ito, sabi ni Gen. Purisima, isumbong sa kanya ang mga kalokohan sa kapulisan.

Noong nakaraang araw, personal na inireklamo sa kanya ang illegal gambling sa MD at JV cockpit sa Rosario, Batangas.

Kaagad na tinawagan si Batangas PD Col. Omega Jireh Fidel na nag-utos sa pagsasara ng nasabing gambling dens.

Kung magiging totoo lang ang mga commander, tiyak na walang Mang Juan na  magagalit at sisigaw  ng ‘resiggggnnnn’. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Best Papa jack Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>