Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WHEN THE MOON SHINES

$
0
0

GAYA ng pagningning at patuloy na pagbibigay ng liwanag ng buwan sa tuwing sasapit ang gabi, nagsisilbing tila mainit na palad na humahaplos sa puso ng bawat tagapakinig ang musikang hatid ng bandang Pinoy na kung tawagin ay East of the Moon.

Sa prestihiyosong Grand Hyatt hotel sa South Korea ay nakadaupang palad ko ang bandang East of the Moon na binubuo ng limang musikerong Filipino.

Ibinahagi sa akin ng grupo ang kwento sa likod ng kanilang tagumpay sa Seoul, Korea.

Ayon kay Ding Tolentino, ang tumatayong lider, ang kanilang grupo ay may isang pianista, bahista at tatlong mang-aawit.

Ang mga ito ay sina Honeygirl Gutierrez na taga-Polillo, Quezon; Laurence Gonzales mula sa Mandaluyong City; Reggie Tamayo na taga-Valenzuela City; at Jelica Salanatin na mula naman sa lungsod ng Taguig.

Isang audition na pinangunahan ni Ding ang naging daan upang mabuo at mapili ang bawat miyembro ng banda.

Sa Pilipinas nag-umpisa ang karera at pagkahilig sa musika ng bawat isa, at kung noong una ay magkakahiwalay na landas ang kanilang tinatahak, musika umano ang tila nagbuklod sa kanila upang sabay-sabay na maabot ang tagumpay.

Bagama’t aminado silang minsan ay may mga pagsubok na kinahaharap ang grupo, nananatili silang solido at nagkakaisa upang mapagtagumpayan ang mga ito.

“Challenges as a musician sa iba’t ibang bansang napuntahan namin ‘yun pong demand ng mga tao na mga request po nila sa amin ay kailangan po naming pagbigyan lahat at nag-aaral po kami ng mga kanta ng bawat bayan na mapuntahan namin.

“Hindi po madali ‘yon!” kwento ni Ding.

Damang-dama rin ng grupo ang labis na pangungulila para sa pamilya at mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas.

“Homesickness ang isa sa pinakamahirap na challenges.

“Kapag nasa abroad, when you are singing and then nagkasakit kayo, wala kayong ibang excuse kundi kumanta pa rin,” payo niya sa iba.

Sa kabila ng lungkot at mga pagsubok, nagpapasalamat pa rin ang grupo dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Koreano at maging ng mga banyagang nakaririnig at nakakamalas sa kanilang husay at talento.

“Yung kantang ‘Anak’, sikat na sikat ‘yon sa Koreans.

“‘Yun ang lagi nilang ni-rerequest sa amin and gustong-gusto nila ang kantang yon,” wika ni Honeygirl.

Bukod sa masaya sila sa kanilang ginagawa, malaki rin ang sahod at magaganda ang mga benepisyong natatanggap ng mga musikerong gaya nila sa South Korea.

“Provided po nila ang apartment and then sa food, 3 times a day. Kumakain po kami sa buffet,” pagbabahagi naman ni Jelica.

World class talent talaga ang ipinakikita ng grupong East of the Moon, itinataas at iwinawagayway nila ang bandilang Filipino pagdating sa larangan ng musika sa bansang Korea.

At narito ang mensahe ng gitarista ng grupo na si Reggie para sa mga musikerong gaya nila, “Advise ko lang, being a musician takes discipline, determination and, of course, syempre ‘yung talent pagyamanin natin.

“Kailangang maging masipag para marating natin ang gusto nating marating.”

*******
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Linggo 10:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT. PASAPORTE/JR LANGIT


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>