Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

E KASI ADIK

$
0
0

MASIBA to the max daw pala itong si ex-Makati vice mayor Ernesto Mercado sa kaliwa’t kanang panraraket at pambubukol niya noon sa mga proyekto ng siyudad tulad ng Makati Homeville relocation project sa Calauan, Laguna.

Kamakailan ay nabuking na si Mercado, isang geodetics engineer, ang nagmamay-ari ng kontraktor na Twin Leaf Group, Inc. na kesehodang nang-abandona sa Makati Homeville project nang matalo si Mercado sa eleksyon noong 2010.

Dahil sa panggagatas ni Mercado at ng Twin Leaf sa first phase ng project noong 2008-2010, kinailangan pang i-fastrack ng kasalukuyang engineering department ng Makati City ang Makati Homeville para ganap na mapakinabangan.

No thanks sa panraraket ni Mercado, ngayon pa lang kakabitan ng Meralco ng kuryente ang Makati Homeville dahil pati badyet para sa pagkuha ng mayor’s permit sa building at kung ano-ano pang permit ay ibinulsa raw ni Mercado. Ayon nga sa ilang galit na galit na residente, baka mabalatan nila nang buhay si Mercado kapag nagkamali itong pumunta sa Makati Homeville dahil sa sobrang abala at pahirap na ibinigay sa kanila.

Ang ginawa ni Mercado sa Makati Homeville ay isa lang sa mga proyekto ng city government ng Makati na ayon kay dating city administrator Marjorie de Veyra ay ginapang ni Mercado.

Ayon kay De Veyra, tinatawagan daw noon ni Mercado ang iba’t ibang department head ng Makati City nang hindi alam ng noon ay Makati Mayor Jojo Binay. “He abused the trust and confidence given to him by the Vice-President who was the mayor then,” aniya.

Syempre pa, ang pinatutungkulan ni De Veyra na “he” ay si Mercado, na ibinulgar ni De Veyra sa Senado na isang adik sa sabong at sugapa sa pagpapatalo ng milyon-milyong piso sa casino.

Hindi lang self-admitted na adik sa sugal si Mercado, siya rin ang nasa sentro ng mga panawagan ng reinvestigation sa misteryosong pagkamatay ng kanyang live-in partner na si Raquel Ambrosio. Idineklara noon ni Mercado na nag-suicide si Ambrosio pero marami ang hindi naniniwala sa kanyang deklarasyon.

Pero mabalik tayo sa Makati Homeville. Sa kabila ng panraraket ni Mercado at ng Twin Leaf ay may 1,031 relocated families na ang ngayo’y nakikinabang sa kanilang 40-60sqm. na kabahayan at agro-livelihood program ng Makati City.

Ang mga ni-relocate ay naninirahan dati sa waterways at illegal settlement areas sa barangays ng Rizal, West Rembo, East Rembo, Poblacion, Guadalupe Viejo at Nuevo, Pio del Pilar, Valenzuela, Bangkal, Palanan at San Isidro.

Kumpleto rin sila sa educational, medical at agricultural-livelihood support mula sa city government ng Makati kung kaya itinuturing ang relocation project na ito ng Makati na isang role model. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>