TALSIK-LAWAY ang Tsino na si Willy Ang habang ipinangangalandakan na walang magagawa ang Mines and Geosciences Bureau (MGB-DENR) laban sa iligal na operasyon ng kanyang minahan. Dahil binubundat daw niya ang mga taga-MGB-DENR, Region 5.
Lalo na ang hepe ng nasabing ahensya! King-ina!
Ating tinalakay kahapon ang panibagong kaso ng pagkamatay ng dalawa katao nang makuryente ang mga ito sa loob ng minahan ni Willy Ang sa “level-700,” area-450, Purok Bagong Sirang, Bgy. Panique, Aroroy, Masbate.
Tangna, ibig mong sabihin Ginoong Ang, kahit walang kaukulang permiso ang iyong minahan ay hindi maaaring kumilos laban sa iyo ang DENR?
Ibig mo rin bang sabihin, kahit wala sa batas ang pasahod mo sa iyong mga trabahador ay hindi rin makaaalma ang Department Of Labor and Employment?
Bakit, nilalagyan mo rin ba sila gaya ng MGB-DENR?
Paano naman ang pananahimik ng BID sa ligalidad ng iyong pananatili at pagnenegosyo rito sa Pilipinas? May lagay rin ba sila?
Maging ang tanggapan ni BIR Comm. Kim Jacinto Henares ay kaya mo rin bang ipangalandakan na nilalagyan mo kaya hindi ka nagbabayad ng buwis?
Hijo de-puta! Kung ang sabihin nitong si Willy Ang na kanyang nilalagyan ay ang MGB-DENR ay maniniwala ako.
Pero kung sasabihin ng lintek na Tsinong ito na nilalagyan niya maging ang DOLE, BID at BIR ay hindi na tayo maniniwala, parekoy.
Hindi lamang isang kayabangan…malaking kahibangan! Hmp!
Ang mabuti niyan, parekoy, ay pasadahan ng BID, BIR at DOLE ang iligal na operasyon ng milyonaryong Tsino na ito para makita natin kung kakayanin pa nitong magmayabang.
Huwag nang hintayin ang MGB-DENR dahil mukhang may katotohanan nga na makapal ang mantikang isinusungalngal ni Ang sa tagatanggap, este, tanggapan ni Director Jazareno!
-o0o-
Kaya naman pala wala pa ring nangyayaring operasyon laban sa iligal na sugal ang tanggapan ni C/Supt. Henry Rañola, ang bagong Director ng SPD.
Dahil isang opisyal na malapit umano kay Gen. Rañola ang tumatanggap ng “lagay” para sa opisina ng magiting na District Director.
Ha? King-ina, puro bukol na pala agad ang inabot ni general pero ni hindi man lang nito naramdaman!
Para mapatunayan mo, Gen. Rañola, na ipinangongolekta ka, ipasilip mo ang mga makina ng video-karera na inilatag sa PCP-2 (Pasay) ng pulis na si SP01 Latore.
At ipaipit mo si Sarge para siya na mismo ang magsisiwalat sa iyo kung gaano na kalaki ang iyong bukol! BURDADO/JUN BRIONES