AKO ay lubusan na humihingi ng dispensa at paumanhin sa MECREGO Intenational, Inc. at kay Ms. Diana C. Yu na aking pinaratangan bilang isang manlolokong recruiter sa aking artikulo na lumabas noong ika-isa ng Disyembre, 2011.
Aking naberipika mula mismo sa aking source na si Edwardo Solis na siya ay napaalis ng nasabing ahensya patungo sa DOHA Qater at natapos ang kanyang kontrata nang walang aberya. Dahil dito , ako ay humihingi ng patawad sa MECREGO International, Inc. at kay Ms. Diana C. Yu sa nasabing artikulo.
MILYONES NA TONG NG DILG-SPA
Bilib na sana ako sa adhikain at simulain ng Department of Interior Local Government (DILG) sa pangunguna ng magiting na kalihim ng kagawarang ito na si Sec. Mar Roxas sa kanyang walang patumanggang pagsupil sa mga kriminalidad na nangyayari sa pamayanan.
Pero ang hindi katanggap-tanggap sa mga gawain ng kagawaran ay ang patuloy na pangongolekta ng weekly tong-collection sa mga iligal na pasugalan ng mga nagpapakilalang tauhan ng Special Police Assistance (SPA) to the Secretary ng DILG na pinamumunuan daw ni Gen. Felisco.
Tinukoy ng source ang mga nagpapakilalang DILG-SPA na sina Magat, Liwanaga, Fred Lumba at civilian na alyas Tony Ching.
Nabatid pa na hindi lamang daw daan-daang libo ang nakokolektang tong-collection ng grupo ng SPA sa mga pasugalan kundi milyones.
Ang siste pa nito, hindi lang natin alam kung gaano katotoo ang sinasabi ng grupo ng SPA na kanilang inire-remit ang kanilang mga nakokolekta sa tanggapan umano ni Gen. Felisco.
PA-LOTTENG SA PASIG, TULOY PA RIN
Sa Pasig City pa rin ay tuloy ang pa-lotteng nina Cris at Rose nang hindi man lamang kumikilos si Mayor Marible Eusebio.
o0o
Anomang reklamo o pu-na ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
