Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DE LIMA AT SOLIMAN: SERENO ANG DAPAT NA TULARAN

$
0
0

POSIBLENG walang utang na loob o hindi lumapit para humingi ng puwesto itong si Chief Justice Maria Lourdes Sereno kay Pangulong Benigno Aquino III kung kaya diretsahang nakapagsasalita ito na ‘di siya tuta ng Pangulo.

Naninindigan ang Punong Mahistrado na hindi magsisilbi sa kahit na sinong Pangulo at hindi niya kailangang magmagaling sa sinoman sapagkat pinananatili niya ang “judicial independence.”

Kaya nga ang pagpapakita ng tapang ni Sereno ay inaakala ng Palasyo na pagtalikod kay Pang. Aquino lalo na nang ideklarang unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program ng Malacañang (DAP).

Ipinagpalagay ng administrasyon ni Pang. Noynoy na masyadong makapangyarihan ang Korte Suprema kaya nga ipinanakot nito na bukas siya sa pag-amyenda ng Saligang Batas upang ma-check ang kapangyarihan ng hukuman.

Hindi lang talaga maintindihan ni PNOY na pantay-pantay ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan.

Inisip kasi nito na dahil siya ang nagtalaga kay Sereno bilang Chief Justice ay kaya na niya itong diktahan.

Malaking pagkakamali ni Pangulong Aquino na ikinumpara niya si Chief Justice Sereno sa kanyang mga kalihim na sina Justice Secretary Leila de Lima at Social Welfare Secretary Dinky Soliman na tatango na lang at parang robot na de-susi na sumusunod sa bawat iutos niya.

May dangal at paninindigan si CJ Sereno kaya ang mandato nito, hindi man ibinoto ng tao, ay sa Saligangbatas ng bansa at hindi sa Pangulo.

Dapat lang namang suportahan ng pamahalaan ang judicial reform efforts upang mapabilis ang mga pagdinig at pagbibigay ng tamang disiplina sa mga nasa hukuman na ang layunin ay upang maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa hudikatura.

Kaya nga sina De Lima at Soliman ay si Sereno ang tularan.

Puro bunganga pero pawang pagsunod naman sa kanilang amo ang ginagawa.

Si Sereno, babae nga subalit may “balls” na ibigay ang tunay na serbisyo sa mga mamamayan at hindi sa Pangulo.

Tagumpay ang caravan of services ng Rotary Club of Malate Prime na ginawa sa Catanauan, Quezon. Salamat! PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>