Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

AKSYON VS EBOLA, ROLBAK SA PASAHE, SALVAGE AREA

$
0
0

NGAYON naman ay bigyan natin ng pagkakataon na mailabas ng ating mga tagasubaybay ang kanilang mga nalalaman, paniniwala, problema, sumbong, mungkahi at iba pa.

SWS SURVEY KADUDA-DUDA

Kaduda-duda ang ginawang Survey ng SWS na kung saan tumaas ang satisfactory rating ni Aquino, at ang tunog ng taumbayan ay nabayaran ang SWS gaya ng pagbayad ni Palasyo ng tig-50-milyon sa mga mambabatas para sa impeachment ni CJ Corona. ‘Yan ang ugali ng mga nasa Palasyo na binabayaran ang mga bayaran para lang isulong ang kanilang propaganda para manatili ang kanilang kasakiman na ang ilan mamamayan ay nagpapatianod sa pera ng mga mayayaman.

Isang dating opisyal ng Makati ay binabayaran din sa pagkalkal sa paninira kay Vice-President Binay. Sa katotohanan ay malupit na ang nangyayari sa bansang Pilipinas. Rampant na ang corruption. 0920823….

MAGNANAKAW NAGSISIRAAN

Sir Benny, good am po. Bakit ‘yang mga politiko kanya-kanya ang siraan, eh, lahat naman sila magnanakaw at nagmamalinis. Ilang senador ang panay bira kay Binay, eh, sila’y may baho rin. Sir, huwag na lang ilagay ang CP number ko baka ipapatay pa kami. Thanks, sir. 0920733….

PUNA SA RH LAW

Ang Batas ni PNoy na Reproductive Health ay talagang reproductive sapagkat the bottomline of this law ay libre ang sex sa Pilipinas basta gumamit sila ng contraceptive. Pero hindi gumamit ang mga nagse-sex.

Sa katunayan ngayon ay dumami na ang mga teenage pregnancy at dumami ang mga teenage na nag-aasawa nang ‘di pa sila nakatapos ng pag-aaral. Ang batas na K+12 Education ay lalong nagpahirap sa mga magulang at mag-aaral. Nadagdagan ng tig-dadalawang taon ang elementary at high school, pero ang sistema ng pag-aaral at pagtuturo ay walang ipinagbago kundi lalong naging perwisyo.

Bumababa ang kalidad ng edukasyon at ang pinakamasama ay nabawas at natanggal ang ibang mga guro o professor sa pagpatupad ng K+15 education system. Ito ang mga batas na pinagkakagastusan ng mga mambabatas na parang sinusunog lang ang pera ng bayan ‘pagkat walang magandang idinudulot kundi perwisyo at walang kabuluhan. 0920823….

SIRANG TRAFFIC LIGHT SA BULACAN

Good day po. Pakibigyang-pansin lang po sana ng mga kinauukulan ang traffic lights dito sa may Bgy. Borol 1st, Bayan ng Balagtas, Bulacan na matagal nang hindi gumagana, dito sa may intersection malapit sa Balagtas Town Center. Araw-araw na lang na nagdudulot ng masikip na trapiko sa mga sasakyang dumaraan sa lugar na ito ng Mac Arthur highway. Kaya araw-araw na lang ang kalbaryong dulot nitong pagsisikip ng trapiko.

Halos isang taon nang hindi gumagana ang traffic lights na nagpapahirap sa mga motorista. Nais ko sanang iparating ito kay Mayor Romy Castro, sa municipal engineer na rin ng Balagtas na si Romeo Mendoza at sa DPWH Bulacan district engineer para kagyat na maipaayos ito para maibsan at makatulong sa pagluwag ng daloy ng trapiko sa naturang lugar. Maraming salamat po. Concerned citizen. 0932300….

TAMBAKAN NG MGA PATAY

Hingin ko lang po ang atensyon ni Bgy. Chairman Fernando Garcia ng Bgy. Borol 2nd, Balagtas, Bulacan na tila manhid at tutulog-tulog sa pansitan sa madalas na may natatagpuang salvage victim sa kanyang nasasakupan, partikular sa lugar papuntang bypass road dahil sa madilim at wala man lang street light na nakalagay.

Kaya sana naman po ay mabigyan ninyo ng prayoridad itong naturang kahilingan. Sana naman po, Kap, na magawan ninyo ng paraan ang paglalagay ng street light sa erya na ito para mangilag ang mga gumagawa ng krimen. Maraming salamat po. 0932300….

AKSYON VS EBOLA

Good am po, Sir Antiporda. Nabasa ko po ‘yung kolum ninyo tungkol sa paghahanda at kakulang ng bansa sa paghandaan sa posibleng pagpasok ng ebola sa ating bansa, sa pamamagitan ng papauwi at pagpasok ng  mga kababayan at mga dayuhan sa ating bansa.

Pwede ba ito ang susunod na gagawing katanungan: KUNG PAANO ITO PAGHANDAAN AT KONTROLIN? Baka makakita ang gobyerno ng idea sa mga opinyon at sagot ng mga texter dito sa pahayang ito? Salamat po, more power. 0947479….

ROLBAK SA PASAHE

Good day po. Ngayong nagpatupad na naman ng rolbak ng presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis, sana naman po ay maisipan na ng mga transport group na babaan na nila ang pasahe ng dyip na kung saan ay matamasa ng mga mananakay o commuter ang mababang pasahe.

Ngayon ay nasa P37 kada litro na lang ang krudo kaya walang dahilan para hindi magbaba ng pasahe ang mga jeepney driver. Kaya ang mungkahi ko sa mga transport group at sa LTFRB na pinamumunuan ni Chairman Winston Ginez na kagyat na ipatupad at manduhan ang mga pinuno ng transport group na maipatupad ang rolbak sa pasahe. 0932300….

ANG POLUSYON

Sir, good am. The earth natural cycle of calamities and disaster is worsening almost every year due to maximum commercialization and industrialization. The earth carbon/gases emission is in the highest level. These are the bad fruits of people abuses to nature. The biggest pollutants in my list are all kinds of gasoline/diesel engine vehicles, bunker oil power plants, factories, manufacturing, ships, airplanes, human/animals waste, including ‘UTOT’ weird but its true.

Bilyon ba naman ang sabay-sabay umutot so galit na ang nature. Who’s to blame? Our religious & political leaders na mga swapang. 0926594….

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>