Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KUMAKALAM NA SIKMURA MUNA

$
0
0

TULOY-TULOY ang siraan ng mga politikong naghahangad na makuha ang matataas na puwesto sa pamahalaan at wala silang pakialam kung nakapagseserbisyo pa sila o hindi na sa mga mamamayang patuloy na kumakalam ang sikmura.

Utang na loob, tigilan na ang bangayan at sa halip ay magserbisyo upang masulit ng mga mamamayang nagbabayad ng buwis ang sweldong pumapasok sa bulsa ninyo, puwera pa ang mga kinurakot ninyo.

Walang patid ang batuhan ng putik ng mga politiko na inuubos ang oras sa pag-iimbestiga sa baho ng bawat isa at pagsagot sa mga akusasyon ng kalaban.

Mas maganda kung ang inuubos nilang oras sa pamumulitika ay ituloy ang serbisyo upang makinabang naman ang mga mamamayang nagiging biktima ng kanilang bangayan.

Makabubuting gumawa ng paraan ang mga politikong ito na mabigyan ng maayos na pagkukunan ng kabuhayan ang mga Filipinong sa halip na tatlong beses kumakain sa isang araw ay isa hanggang dalawang beses na lang nalalagyan ng pagkain ang sikmura.

Tulad na lamang ng mga nasa Palasyo, Kongreso at Senado, dapat sana ay gumawa sila ng paraan upang maayos ang estado ng mga maliliit na manggagawa sa pamahalaan na hindi naman makareklamo sa maliit nilang sweldo tulad ng mga sundalo, pulis, guro at mga empleyado ng gobyerno.

Maging ang mga manggagawa sa pribadong sector ay dapat bigyang-proteksyon ng pamahalaan tulad ng tuloy-tuloy na trabaho o regularisasyon at hindi ang puro pirma ng kontrata matapos ang apat hanggang limang buwang pagtatrabaho o kontraktuwalisasyon.

Iayos din dapat ng mga politikong nasa puwesto ang peace and order situation sa bansa sapagkat puro patayan na lang na droga ang madalas na motibo ang laman ng balita.

Dapat kasi, itaas ang moral ng kapulisan sa pamamagitan ng maayos na pagpili ng dapat mamuno rito at hindi ang pagkunsinte sa mga kalokohan ng mga iniupo ng Malakanyang.

Habang maaga, kumilos na ang mga politikong walang ginawa kung hindi ubusin ang oras sa pagkalkal ng baho ng posibleng makalaban nila sa 2016 Presidential elections sapagkat marami na sa mga botante ngayon ang matatalino dahil sa teknolohiya at hindi na pwedeng paniwalain ang mga ito sa mga pinagtagni-tagning kasinungalingan.

Kaya kumilos na kayo at unahin ang mga kumakalam na sikmura ng mamamayan na magluluklok sa inyo sa mga puwestong hinahangad ninyo. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>