Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

RECALL SA BULACAN AT SUGAL SA BATANGAS

$
0
0

GG… talaga ‘yang aming gobernador, kinulimbat na ang kaban ng bayan, ngayon ay ang proseso naman ng halalan ang binabalasubas ng animal!

‘Yan, parekoy, ang buod ng sandamakmak na mensaheng natanggap natin mula sa nagpapakilalang mga taga-lalawigan ng Bulacan!

Susmaryosep namang mga pangungusap ‘yan laban kay Gov. Willy Alvarado, parang may pinaghuhugutan talaga hano? Ehek!

Nais ko lamang ikumpirma Gob ang ilang isyu tungkol sa “recall election,” dahil kung ang tungkol sa pangungulimbat ay mismong ang Office of the Ombudsman na ang sasagot diyan.

Tutal eh, wala naman yatang taga-Bulacan ang hindi nakaaalam sa mga kaso ng pangungulimbat na nakasampa laban sa iyo.

Sa “recall election” na kasalukuyang inaabangan, lalo na ng daan-daang libong rehistradong botante ng lalawigan ng Bulacan na lumagda nito, totoo ba, Gov. Alvarado, na pilit mong pinipilipit ang batas para tuluyan itong mabinbin hanggang lumagpas ang buwan ng Mayo?

Dahil alam mong hindi na ito maaaring isagawa sa loob ng isang taon bago ang darating na halalan!

Totoo ba, Mister Alvarado, na maging ang ordinaryong RTC na wala namang kinalaman sa isyu ng isang recall election ay ginapang mo para makapagluwal ng isang TRO?

Na matapos sipain ng Comelec ang hijo de-putang TRO ay sari-saring dilatory tactics naman ang ginawa mo gaya ng reklamo kunyari sa “authenticity” ng mga lagda?

Kingna! Trabaho na ng Comelec ‘yang dinadapurak mo ah!

Pinakikialaman mo nga ba, Alvarado, o ginugulo mo lamang talaga?

Sa ganang akin, parekoy, habang pilit na iniiwas ng lintek na si Alvarado ang kanyang sarili sa “recall” election ay lalo lamang nitong inilulublob ang kanyang sarili sa pusali!

Dahil hindi tanga ang mga taga-Bulacan na palalagpasin ang anomang pananakot, pamumwersa at katarantaduhan para lamang makapanatili sa poder ang isang politiko!

Kaya kung may natitira ka pang hiya at respeto sa sarili mo, Alvarado, pinalalayas ka na ng daan-daang libong taga-Bulacan, aba eh, dapat ay . . . tsupiii!

Layas na!

-o0o-

Tinatawagan natin ang pansin ng Police Regional Director ng Region 4-A dahil sa lantarang iligal na sugal, lalo na sa lalawigan ng Batangas.

Naririyan si Kap. Mario Lucido, financier/management ng Small Town Lottery bookies sa Tanauan City.

Sa San Pablo City (nayon), si Kap. Jojo Oloc-oloc naman at si Hano Sanchez sa Alaminos.

Sa laki ng “arawang kubransa,” ayon sa ating tawiwit, ay hindi umano malayo na maliban kay RD ay sandamakmak pa ang namamantikaan mula sa nabanggit na iligal na sugal!

Hmmm, ating alamin! BURDADO/JUN BRIONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>