Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY PATOL PA BA SI FVR?

$
0
0

NITONG mga nakaraang araw ay panay ang talak ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Lahat na yata ng isyu ay gusto ring lahukan ng mamang nakuwestyon din ang pangalan sa Centennial Expo scam na kung saan bilyong piso rin ang nawala sa bayan.

Nariyan iyong sabihin niyang dapat mag-sorry itong si PNoy tungkol sa Mamasapano massacre na ikinamatay ng 44 SAF members at nariyan din ang pagpaparinig niya kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pederalismo.

Maging ang isyu ng pagpapalakad ng bansa ay nagiging very vocal itong si Tabako kaya marami ngayon ang nagtatanong kung ano ba talaga ang agenda nito sa biglang paglitaw muli sa limelight.

Kamakailan ay binisita pa ni Tabako itong si Duterte sa Davao at mistulang inendorso pa nito ang astig na alkalde para Pangulo sa halalang 2016 pero nitong nakalipas na linggo ay binanatan na niya ito sa hindi malamang kadahilan.

Parang may naamoy akong kakaiba kay FVR dahil hindi naman ito ganito ka bokal sa mga isyu sa bansa samantalang ngayon ay mistula itong loro na putak nang putak.

Dapat na rin sigurong pag-aralang mabuti ng mamamayan ang kilos nitong si Tabako dahil tiyak namang may hidden agenda ito.

Kakaiba ang iginagalaw ngayon ni Tabako kaya dapat itong bantayan ng madla at ng liderato sa Malakanyang dahil posibleng may malalim itong pakahulugan na pwedeng magdala sa bansa sa kakaibang landas na posibleng maging dahilan ng pagbagsak ng liderato ng anak ni Tita Cory.

Tiyak na marami pang sasabihin itong si FVR kaya ang tanong na lang ay kung may patol pa ba ang dating Pangulo sa mamamayan ng estado. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>