Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINDI KUNTENTO SA PALIWANAG NI PNOY!

$
0
0

NOON ay si Vice-President Jejomar Binay ang pinipilit na magpaliwanag sa mga isyu na kinasangkutan nito, kaugnay ng mga bintang na iregularidad na naganap umano sa Makati noong alkalde pa siya.

Pero nag-iba na ang ihip ng hangin. Si President Aquino naman ang nabalot ng kontrobersiya at hinihintay na magbigay ng paliwanag ukol sa trahedya sa Mamasapano na magiging katanggap-tanggap para sa kanyang mga “boss.”

Patuloy na dumarami ang nananawagan na humingi ang Pangulo ng paumanhin sa bayan at akuin ang responsibilidad sa pagkasawi noong Enero 25 ng 44 Special Action Force commandos, na may misyong hulihin ang dalawang pusakal na terorista sa teritoryo ng Moro Islamic Liberation Front.

Ang puna ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ay mahina na ang pamumuno ni PNoy, nawawalan na ito ng impluwensya at hindi na pinaniniwalaan ng mga Filipino habang papalapit ang pagtatapos ng kanyang termino. Masyado raw nakatuon ang atensyon ng Pangulo sa trahedya na naganap sa Mamasapano.

Ito ang nasabi ni Pabillo matapos lumabas noong nakaraang linggo ang resulta ng survey ng Pulse Asia sa buong bansa sa unang bahagi ng buwang kasalukuyan, kung saan nakasaad na walo sa bawat 10 o 79 porsyento ng mga Filipinong nasa hustong gulang ay hindi kuntento sa paliwanag na ibinigay ni PNoy.

Nasa 10% lamang sa mga nakapanayam ang nagsabing sapat na ang paliwanag ng Pangulo at 11% ang hindi pa desidido sa pagbibigay ng kanilang komento.

Lumabas din sa survey na ang nakuhang approval ratings ni Aquino na 59% noong Nobyembre ay bumagsak nang 21 puntos sa 38% at ang trust ratings na bumulusok sa 36% mula sa 56%.

Hindi rin umaayon ang 79% sa desisyon ni Aquino na huwag salubungin ang mga labi ng mga pinaslang na tropa ng SAF sa Villamor Airbase, at sa halip ay dumalo sa inagurasyon ng planta ng Mitsubishi Philippines sa Laguna.

Nakaligtaan kaya niya kung gaano ito kahalaga? Nakangiti pa siya sa isang lumabas na larawan habang nakikipagsaya sa naturang inagurasyon. Para sa marami ay pagpapakita ito ng kawalan ng emosyon, simpatiya at pakikiramay ng Pangulo sa mga bayaning SAF.

Tulad nang ating inasahan ay magtatagal bago ito mawala sa isipan ng ating mga kababayan. Mahalaga sa mga Pinoy ang pagpapakita ng suporta ng magulang sa mga pagtitipon kung may binyagan, kasalan o pagbuburol.

Hindi maitatangging si PNoy, ang “commander-in-chief” ng Philippine National Police, ang tumatayong ama ng kapulisan.

Huwag kaligtaan na nakasira rin sa imahe ni PNoy sa mga mamamayan ang pamamaraan kung paano plinano at ipinatupad ng SAF ang “Oplan Exodus” na kasama ang nagbitiw na PNP chief Alan Purisima sa panahong suspendido ito, at ang paglilihim nito kina Interior Sec. Mar Roxas at PNP-OIC Deputy Director General Leonardo Espina.

Sa ilalim ng pamumuno ni President Aquino ay nagsulong siya ng “Matuwid na Daan” na hangaring mailihis ang mga taong-gobyerno sa paggawa ng mali. Pero nasaan daw ito nang magdesisyon silang ipatupad nang lihim ang Oplan Exodus sa tulong ng suspendidong PNP chief?

***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>